12/07/2026
This Weekend’s Service❤️🎶
Ika 15 Linggo sa Karaniwang Panahon
Ngayong ika-15 Linggo sa Karaniwang Panahon,
ipinapaalala sa atin ni Isaias na ang Salita ng Diyos ay
hindi kailanman babalik sa Kanya nang walang bunga. Sa
Mabuting Balita, itinuturo ng talinghaga ni Hesus ukol sa
maghahasik na tanging ang mga nagtitiwala, umuunawa at
nagmamahal lamang sa Salita ng Diyos nang buong puso,
kaluluwa, at lakas ang nagiging mayamang lupa na maaaring
lumago. Pagyamanin nawa ni Hesus sa Eukaristiyang ito ang
ating mga puso upang tayo ay magbunga ng masaganang ani
ng awa at pagmamalasakit.