24/04/2025
Multo ng kahapon.
Minumulto ako ng tauma ng kahapon
Laging nagpaparamdam ang napaka lalim na takot
Takot na dala ng kanilang kasakiman
Takot na nakatatak na sa aking kamusmosan
Pinaniwala ko ang sariling kong naghilom na ang mga sugat
Pero biglang bumalik ang lahat
Yung bagay na pilit ko kinakalimutan
Bumalik na parang nangyari ang lahat kahapon lang.
Minumulto ang ng trauma ng kahapon
Minumulto ako ng tapang na dapat ako ay nagkaron
Dapat ako ay nagsalita at lumaban
Imbis na umiyak ng walang nakakaalam.