Zeld

Zeld Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Zeld, Poet, 216 mambog 4, Bacoor.

19/08/2023

Short poem!

Dapi't Hapon
✍️zeld

Patapos na ang araw,
Paglubog neto'y gustong matanaw.
Ganda nito'y talaga namang nangingibabaw.
Kagandahan mo'y tunay na nakakasilaw.

Paglubog ng araw, walang sawang pagmamasdan,
Pagka't saksi ang araw sa'ting pag-iibigan.
Sisilayan ang araw habang ika'y tinititigan,
Pagka't ikaw ang nag-iisang liwanag sa tahanan.

19/08/2023

Short poem!

Laruan
✍️zeld

Di ko inaasahan sa salita mo'y agad na mahuhulog,
Pusong ka'y lambot agad na sumuko.
Wag mong sabihin ako'y minahal,
Pagkat ang puso ko'y iyo lamang pinagtripan.

Damdamin ko'y minahal, pina-ibig bago iwan.
Luha ay pumatak masakit mong salita ay tumatak,
Puso't isipan dati'y ikaw ang laman ,ngayon ay gusto ng kalimutan
'Di na nais balikan, memoryang nag daan.

Tunay nga bang ako'y isang laruan?
Sa mata ko'y patululoy mokong pinaglalaruan.
Hnd nag adik sa kanto,
Ngunit pag laruan ang damdamin ko ang bisyo.

19/08/2023

{Untitled}
✍️ zeld

Hindi nasusukat ang pag-ibig,
Kagaya na lamang tubig.
Katulad ng kalawakan,
Pag mamahal sayo'y wlang hangganan.

Sing payapa ng himpapawid.
Sa mundo mo'y ako ang tatawid.
Pagmamasdan kumikinang mong mata,
Sa tuwing tititig,nasisilayan isang munting dalaga.

Kamukha ng Langit,
Napa-ibig sayo binibining marikit.
Pusong ka'y tagal na nakakandado,
Pag dating sayo'y hindi na muling mag sasarado.

Palaging nasasabik sa matamis mong halik.
Puso'y tuluyan nang napa-ibig sayo Binibining marikit.
Panalangin makapiling ka sa bawat saglit

19/08/2023

Bugaw"
✍️ zeld

Ginoong may magandang katawan,
Kahit buong araw kaya mong titigan.
Ngunit sa likod ay trahedyang 'di mailalarawan,
Isang trahedyang sanhi ay isang larawan.

Ating buklatin nakaraan ay pasukin,
Trahedyang sinapit ng ginoo, ating isipin.
Ginoong maganda ang pangangatawan,
Ibinugaw gamit ang simpleng larawan.

Ginoong biktima ng bugaw,
Kanyang hinaharap 'di na matatanaw.
Sa larawan ay nka umbok,
Binatang sa bangungot ipinasok.

Binatang kailan man hindi nakaimik,
Kanyang ina'y labis syang pinatatahimik.
Binatang ipinasok sa trahedya,
Kailan kya muling makakalaya?

Sa umaga'y trahedya agad ang nsa isip,
Sa bawat pag harap sa camera iba-iba ang sumisilip.
Sa trahedya'y nais ng kumawala,
Sa kanyang pagiisip sya'y nawawala.

19/08/2023

Isang baso, Isang Kaso
✍️zeld

Sa bawat selebrasyon ng mag-anak,
Sigurado ang lahat na 'di mawawala alak.
Sa bawat tagay na puno ng yelo,
Paano masisigurong makakauwi kapa ng perpekto.

Libro'y ating buklatin,
Karanasan ng dalaga'y ating alamin.
Sa bawat pagabot ng baso,
'Di inaakalang lahat ay magkakaron ng kaso.

Dalagang labis nilasing,
Sa pag mulat ng mata'y 'di na normal ang magising.
Sa pag tulog nais mahimasmasan,
Ngunit kainuman mo'y naisipang ika'y pagsasamantalahan.

Sa simpleng alak na isinalin sa baso,
Kainuman mo'y nagkaroon ng kaso.
Sa simpleng pag higa,
Maduming kaugalian agad na ginawa.

Pagtulog mo'y kanilang inaabangan,
Katawan mo'y nais nilang sunggban.
Sa bawat baso ng alak na inaabot,
Katawan mo'y kunti-kunting nakakalmot.

Hustisyang binaon sa alak,
Dalagang napagsamantalahan ng ka-anak.
Ang trahedya ng dalaga idadaan na lamang sa halakhak.

19/08/2023

{Untitled}
✍️zeld

Mala rosas kapag ika'y namumula.
Sa ngiti mo, ako'y natutulala.
Mata mo ay singkit,
Bagay-bagay sa'yo binibining marikit.

Patuloy na mag mamahalan,
Abutin man tayo ng hangganan.
Mamahalin kang tapat,
Isang ngiti mo lang ay sapat.

Hindi lilingon sa iba,
Ikaw lng ang sinisinta.
Hindi sasayangin binigay mong tyansa,
Pangakong sa iba'y didistansya.

Ikaw ang aking tinatangi,
Na sa aki'y mag papangiti.
Iibigin kang tunay,
Hindi man tayo pang habang buhay.

19/08/2023

{Untitled}
✍️zeld

Palaging nasasabik,
Sa mga labing kay sarap humalik.
Samahan nating dalawa'y sana'y maibalik.

Problemang sati'y naging tinik,
Sating mga pagtatalo 'di na muling iimik.
Ngayo'y hinahanap matatamis mong halik.

Ako'y parating nagagalak,
Tuwing nasisilayan mga ngiting mong kasing ganda ng bulaklak.
Ako'y tinatamaan n tila ba isang ibong hnd maipagaspas ang mga pakpak.

Pansinin ang maganda mong tinig sa tuwing ika'y hahalakhak,
Pag tingin ko sayo'y patuloy na lumalawak.
Pagnakikita ka puso ko'y pumapalakpak.

19/08/2023

Tiwala"
✍️ zeld.

Isang salitang binubuo ng anim na letra,
Salitang mahirap ng ibigay sa madla.
Isang salitang naging daan sa trahedya,
Salitang nag bigay bangungot sa dalaga.

Muling pakingggan boses ng kababaihan,
Katawan nila'y hindi pang benta sa dayuhan.
Tiwala nga ba ang naging daan,
Sa sinapit na trahedyng walang kasagutan.

Muli nating lakbayin, kwento ng isang dalaga,
Isang dalagang kinukutya ng madla.
Katawan ay napaglaruan,
Hustisiya'y kailan makakamtan?

Buong tiwala'y labis na ibinigay,
'Di inakalang isang araw ay matatagpuang naka handusay.
Dalagang nag bigay tiwala,
Sa trahedyay 'di na tuluyang nakawala.

Sa madla'y 'di nakaimik,
Dalagang labis ang ngiti bigla nalamang tumahimik.
Sa maamong prinsepe nag tiwala,
Dalagang masaya sa ataul na nakahilata.

Dalagang lahat ay ibibigay,
Labis na tiwala'y binigay.
Bangkay sa agos tinangay.
Pamilyang naiwan, hustiya'y pinatay.

19/08/2023

Araw at buwan
✍️zeld

Sa umaga'y ikaw ang araw na nar'yan,
Sa gabi,ako'y nagiintay na ika'y masulyapan.
Piliin man nating mag tagpo, tutol sati'y kapalaran.
Tunay nga bang hindi magkikita ang araw at buwan?

Ikaw ang nag iisang araw,
Na kahit gaano kalapit ay 'di ka matanaw.
Tila ako naman ang liwanag mo sa gabi,
Sa tuwina'y nais kang makatabi.

Sa bawat gabi tala ang nag-iisang saksi,
Maging ang oras ay 'di naging susi. 'Pagkat sa pag lipas ng araw at gabi,
Mundo nati'y tila nag salisi.

Sa isang tingin ako'y kuntento,
Ang labis nating hindi pagkikita ay tila totoo.
Labis labis na pagmamahalan,
Ngunit sating pagkikita tutol ang kapalaran.

19/08/2023

Bangungot ng Isang Dalaga
✍️ zeld

Isang storya ng Binibining kay ganda,
Storya na hindi nais ipaalam sa madla.
Sa bawat salitang aking ididikta,
Tatahakin natin ang trahedyang sinapit ng dalaga.

Nakaraan mo'y hindi alam ng madla.
Pagsisisi ang lagi mong dala-dala.
Gabi-gabi'y iyong naalala,
Sa tuwing nakikita sya'y ikaw ang nagdurusa.

Natatanging memeroyang hindi malalapatan ng saya.
Alaalang hindi nais ipaalam sa pamilya.
Binibining hindi nakalimot sa sinapit na trahedya,
Tila isang ibong nakulong, hindi na makalipad ng malaya.

Binigyang buo ng pagtitiwala,
Sa bangungot hindi na muling makawala.
Natatakot na baka husgahan ng madla.
Natatakot mag salita dahil baka walang gustong maniwala.

Isang inosenteng dalaga,
Mapait na kwento ang dala-dala sa bawat umaga.
Pag naiisip ang nakaraa'y tila natatakot na daga.
Minsang inisip buhay ay 'di mahalaga.

Address

216 Mambog 4
Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Zeld posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category