04/07/2026
Congratulations once again, Leah! Officially a UK Citizen! 🇬🇧❤️
Ang araw na ito ay isa sa mga pinakamasayang sandali sa aming pamilya. Isang pangarap na natupad at isang napakalaking biyaya.
Congratulations, anak kong Lea, sa iyong Oath-Taking bilang isang UK Citizen. Ang tagumpay na ito ay bunga ng iyong sipag, tiyaga, sakripisyo, at walang sawang pagsusumikap. Lahat ng pinagdaanan mo ay naging daan upang marating mo ang napakagandang milestone na ito.
Bilang iyong ina, hindi maipaliwanag ng mga salita kung gaano ako kaproud sa'yo. Hindi lang dahil sa mga tagumpay na natatanggap mo, kundi dahil sa kabutihan ng iyong puso, pagiging masipag, at pagmamahal mo sa pamilya.
You truly deserve every blessing that comes your way. Patuloy kang gabayan ng Diyos sa bawat hakbang ng iyong buhay at nawa'y mas marami ka pang maabot na pangarap.