Sagisag Komiks

Sagisag Komiks Sandaigdigan•Sanlibutan•Sansinukuban
Grapikal•Tekstwal•Linggwal
Libangan•Literatura•Likhang Sining

15/07/2024

REVISIT A FILIPINO CLASSIC IN THEATERS!

A digitally restored and remastered rendition of the 1998 film 'Jose Rizal' will be screened on August 7 at 4:00 PM at the Manila Metropolitan Theatre for the 20th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. The film retells the story of the Filipino hero, Jose Rizal, focusing on his hardships throughout his imprisonment until his death.

Watch for free at the MET!

16/04/2023

MGA LUGAR SA PILIPINAS NA PINUNTAHAN NI JOSE RIZAL

Ang mapa na ito ay nagpapakita ng mga lugar na tinirhan, pinuntahan, o nakita noon ni Jose Rizal gamit ang kasalukuyang mapa ng Pilipinas. Ang mga lugar na nabanggit dito ay hango sa primaryang batis ng kasaysayan tulad ng kaniyang mga liham at talang-gunita.

Calamba, Laguna (1861) - Lugar kung saan isinilang at nanahan si Jose Rizal at kaniyang pamilya.

Antipolo (1868) - Naglakbay si Jose RIzal kasama ang kaniyang ama na si Francisco patungong Antipolo upang magbigay galang sa Birhen ng Antipolo o Nuestra Señora de la Paz y Buen Viaje.

Pasig, Cainta, at Taytay (1868) - Matapos ang paglalakbay sa Antipolo ay nagtungo sila sa Maynila sa pamamagitan ng Ilog Pasig gamit ang casco (isang uri ng bangka). Nadaanan nila ang mga lugar ng Pasig, Cainta at Taytay.

Maynila (1868) - Ito ang unang pagkakataon na narating ni Jose Rizal ang Maynila. BInisita nila ang ang kaniyang kapatid na babae na si Saturnina na nag-aaral noon sa La Concordia. Pagkaraan ng ilang taon, dito rin nanirahan at nag-aral si Jose Rizal sa mga paaralan ng Ateneo Municipal de Manila at Universidad de Santo Tomas (1872 - 1882). Minartir si Jose Rizal sa Bagumbayan, Maynila noong taong 1896.

Cabuyao at Santa Rosa, Laguna (1869) - Mga dinaanan ni Rizal patungong Biñan.

Biñan, Laguna (1869) - Dito nag-aral si Rizal sa ilalim ni Maestro Justiniano Aquino Cruz.

Tanauan, Batangas (1873) - Sinamahan ni Jose Rizal ang kaniyang kapatid na si Saturnina sa Tanauan upang makilahok sa kapistahan ng bayan.

Santa Cruz, Laguna (1874) - Binisita ni Jose Rizal ang kaniyang ina na si Doña Teodora na nakapiit sa panlalawigang bilangguan.

Pakil at Pagsanjan, Laguna (1881) - Naglakbay patungong Pakil si Jose Rizal upang magbigay galang sa Birhen ng Turumba o Nuestra Señora de los Dolores de Turumba. Namasyal din siya sa Pagsanjan, Laguna.

San Pedro, Laguna/ Muntinglupa - Las Piñas (1882) - Mga dinaanan ni Jose Rizal patungong Maynila

Mga isla ng Corregidor, Fraile, Monja sa Cavite (1882) Mga isla na nakita ni Jose Rizal sa kaniyang byahe patungong Espanya

Kabundukan ng Mariveles, Bataan (1882) Anyong lupa na nakita ni Rizal habang siya'y sakay ng barko patungong Espanya.

Jolo, Sulu (1892) Isla na nakita ni Rizal habang lulan ng barko patungong Hilagang Borneo.

Malolos, Bulacan/ San Fernando, Pampanga/ Tarlac, Tarlac/ Bacolor, Pampanga (1892) - Mga lugar na pinuntahan ni Rizal upang bisitahin ang kaniyang mga kaibigan.

Mindoro at Panay (1892) - Mga isla na nakita ni Jose Rizal noong patungo siyang Mindanao.

Dapitan (1892) - Lugar kung saan itinapon si Jose Rizal mula taong 1892 hanggang 1896. Dito nangyari ang pinakaproduktibo at mabungang bahagi ng buhay ni Rizal. Nagkaroon siya ng sariling lupa at bahay. Dito rin niya nakilala si Josephine Bracken.

Lubungan (1896) - Bumili ng ikalawang lupang sakahan si Jose Rizal. Ito ngayon ay kasalukuyang tinatwag na bayan ng Katipunan, Zamboanga del Norte.

Dumaguete, Negros Oriental (1896) Matapos lisanin ni Rizal ang Dapitan. Huminto dito ang sinasakyan nyang barko kung saan bumaba siya at may ginamot na kapitan ng mga guardya sibil.

Cebu (1896) - Dumaong at bumaba si Jose Rizal sa Cebu. May ginamot din siya rito.

Guimaras (1896) - Nakita ni Rizal ang isla ng Guimaras nang dumaong ang kanilang barko sa Iloilo.

Iloilo (1896) - Bumaba si Rizal sa barko at bumili ng sumbrero sa Escolta. Nagtungo rin sila sa Molo, Iloilo kung saan nakita niya nakita ang kanilang tanyag na simbahan.

Capiz (1896) - Huminto ang barko ni Jose Rizal dito ngunit hindi siya bumaba.

Romblon (1896) - Nakita ni Rizal ang isla ng Romblon na kung saan tanyag na pinagkukunan ng marmol.

= = =

Sanggunian:

Jose Rizal: Life, Works, and Writings of a Genius, Writer, Scientist, and National Hero, Second Edition nina Gregoria Zaide at Sonia Zaide, 1999.

Reminiscences and Travels of Jose Rizal 1878 - 1896. Jose Rizal National Centennial Commission, 1961.

Mapa mula sa "My Philippines Travel Level" ( https://my-philippines-travel-level.com/ ) na ginawa ni Denz Del Villar na isang software engineer.

18/01/2023

'Ang bakya Mo Neneng' ay awiting pamilyar sa maraming Pinoy na isinilang 1980s pababa. Isang kasuotan sa paa na tatak Pilipino; yari sa kahoy at plastic o tela. Karaniwang kasuotan ito noon ng mga naglalaba

02/01/2023

Isinalin ito sa Ingles ng isang famed Pinoy novelist.

25/12/2022

Despite the virus still lurking around us, MERRY CHRISTMAS!
Looking forward to a better 2023!
Rizal's Christmas card for his nephew Mauricio or "Moris" is for all of us who consider him our LOLO JOSE.

19/12/2022
11/10/2022
24/09/2022
06/09/2022

Batang Pinoy as a Sports-for-All program

The inclusive nature of Batang Pinoy allows out-of-school youth, sectoral and marginalized sectors to participate in multiple sporting events. It answers the needs of having a comprehensive grassroots sports program centered on values formation including nationalism, self-discipline, respect, hard work, camaraderie and sportsmanship.

Be informed and !

24/08/2022

LIBRENG WEBINAR!

JOSE RIZAL AT ANG ARKEOLOHIYA SA PILIPINAS
25 Agosto 2022 | 3:00 ng hapon

Tagapagsalita:
G. Victor Estrella
Ateneo de Manila University
Philippine Normal University

Noong ipinatapon si Jose Rizal sa Dapitan noong taong 1892 hanggang 1896, natuklasan niya ang isang pook ng sinaunang libingan sa burol na tinatawag na "Lumanao" na matatagpuan di-kalayuan sa kabayanan ng Dapitan. Sa pook na iyon nakakita siya ng mga piraso ng porselana na nagmula sa Tsina, medalyang tanso, at isang singsing. Ang isinagawang pagsiyasat ni Rizal sa burol ng Lumanao ang nagturing sa kanya bilang isa sa kauna-unahang arkeologo ng ating bansa.

Sa pamamagitan ng webinar na pinamagatang "Jose Rizal at ang Arkeolohiya sa Pilipinas" ay tatalakayin kung ano-ano ang mga naging kontribusyon ni Rizal sa larangan ng arkeolohiya at maging ang simula ng arkeolohiya sa Pilipinas. Ang webinar na ito ay inihanda kaugnay sa pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan. Inaanyayahan ang lahat na tunghayan ang webinar sa pamamagitan ng Facebook Live dito sa page ng NHCP Museo ni Jose Rizal Dapitan at National Historical Commission of the Philippines ngayong darating na 25 ng Agosto 2022, ganap na ika-3 ng hapon! Sabayan din mapapanood ang webinar sa FB Live sa mga sumusunod na page: NHCP Museo ni Jesse Robredo, NHCP Museo ng Pamana at Kasaysayang Boholano, NHCP Museum of Philippine Economic History, at NHCP Museo nina Juan at Antonio Luna.








08/08/2022

Arnis was declared as the National Martial Art and Sport of the Philippines through Republic Act No. 9850.

Arnis, also known as Eskrima, Kali, Garrote and other names in various regional languages, such as Pananandata in Tagalog; Pagkalikali, Ibanag; Kabaraon and Kalirongan, Pangasinan; Kaliradman, Bisaya; and Didja, llokano, is an indigenous Filipino martial art and sport characterized by the use of swinging and twirling movements, accompanied by striking, thrusting and parrying techniques for defense and offense.




01/08/2022

AUGUST IS HISTORY MONTH

Ang ating mahal ng lungsod ay tunay na mayaman sa kasaysayan at kultura kaya naman atin itong pahalagahan at hindi kailan man makalimutan.

[Photo: ctto]


Address

Bacoor

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sagisag Komiks posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share