12/04/2026
ISA PA, AT MARAMI PANG IBA! ๐ญ
Lubos na pasasalamat sa aming minamahal na Ina, Inay Ritchie Monte Dela Cruz, sa walang sawang pagmamahal at pag-aarugang ibinibigay mo para sa aming lahat. Ikaw ang ilaw namin sa lahat ng Laban.
Sa aming Artistic Director, Direk John Isaac, sa gabay at bisyong humubog sa aming pagkatao bilang mga Alagad ng Sining.
Sa aming Cultural Head, Sir Raymund Abaya Sanchez, sa walang humpay na suporta at tiwalang ibinibigay mo sa aming grupo.
Sa Bacnotan Municipal Tourism, Culture and Arts Office, lubos po ang aming pasasalamat sa pinansyal na suportang inyong ipinagkaloob. Dahil po sa inyo, naging posible ang pagkakataong maipakita namin ang talento ng ating bayan sa pambansang entablado.
Higit sa lahat, para sa bawat kalahok, Alec Naanep, John Rey Natalio, Hazel Febria, Axcel Ammogawen, Sanchez Erika, Rod Andrew Andaya, Andy Alim,
walang katumbas ang inyong dedikasyon, sipag, at pagmamahal sa Sining. Lahat ng pawis, pagod, at sakripisyo ay naging makabuluhan dahil sa inyo.
At sa lahat ng Sumusuporta, nagdasal, at naniniwala sa amin, Maraming Salamat po. Kayo ang sandigan namin sa lahat ng laban.
Maaaring wala ang Tropeo sa aming mga kamay, pero dala namin ang karangalan, alaala, pagmamahalan, at pagmamalaking walang anumang medalya ang makakatumbas.
Doon pa lang, panalo na kami. Palagi ay para sa Diyos at Lupang Sinilangan!
Hanggang sa muli, PASUC National Culture and The Arts Festival.