JUAN TULA

JUAN TULA Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from JUAN TULA, Poet, Bacacay.

25/03/2024

Juantula #30 Gunita

Laro, Kain, Tulog
Laro, Kain, Tulog
Paulit-ulit na siklo ng ating kabataan
Sana maulit muli ang ganoong pakiramdam–ang maging bata sa katauhan ng isang gunita.

25/03/2024

Juantula #29 Panalo Ka!

Panalo ka, kahit bumagsak ka
Panalo ka, kahit 'di ka nakatanggap ng parangal
Panalo ka, kahit ang tingin sa'yo ng karamihan ay talunan
Panalo ka, dahil sa hindi mo pagsuko sa laban.

25/03/2024

Juantula #28 Tapos

Hindi lahat na nagtatapos ay malungkot
Minsan ito'y isang paraan ng paghilom
Nakapapawi ng kirot
Nakalalaya sa takot
Nakatatagpo ng kaginhawaan sa pag-iyak
Minsan sa pagtatapos
Muling nabubuo ang pusong minsan nang naubos.

25/03/2024

Juantula #27 Pangarap

Kahit kay hirap mo pang abutin
Kahit malayo pa ang lalakbayin
Handa pa rin akong sumugal sayo
At sana kapag nakuha na kita
Nariyan pa rin ang mga taong naging kasama ko sa pagbuo sa'yo.

25/03/2024

Juantula #26 Barkada

Natatagpuan ko sa barkada ang maging masaya
Nakakalimutan ko ang mga problema
Subalit sa tuwing ako'y uuwi sa tahanan
Pilit ang tawa, hirap ang sumaya.

25/03/2024

Juantula #25 Mahalaga

Hindi nasusukat sa laki ang halaga
Kahit maliit ito'y mahalaga
Nasa tao ang tamang pagpapasya
Minsan ang mga malilit na bagay yun ang mas nakapagpapasaya.

25/03/2024

Juantula #24 Tayo

Tayo ay tatayo
Para sa mga taong walang kakayahang tumayo
Titindig tayo bilang mga bahagi nila
At para iparamdam na sila ay mahalaga.

25/03/2024

Juantula #23 Kahulugan

Magkakaiba man tayo ng kahulugan
Kahulugan natin sa lipunan
Depinisyon natin sa mga bagay-bagay
Ang mahalaga tayo ay napag-iisa ng iisang kahulugan-ang magmahal.

25/03/2024

Juantula #22 Sapat

Ano ba ang kahulugan ng sapat?
Ito ba ay pagiging kompleto o kontento?
Sapat na ba ang mga materyal na bagay
Para sabihing ikaw ay masayang tunay?

25/03/2024

Juantula #21 Laban

May mga laban na madalian
Meron ding 'di pangkaraniwan
Yun laban na 'di mo kailangang ipanalo
Sapat na ang mismong proseso

25/03/2024

Juantula #20 Peke

Paano ba ang magpakatotoo?
Yung tipong walang tinatago sa mundo
Madaling sabihin pero ang hirap gawin
Peke man pagminsan pero totoo ang karamihan.

25/03/2024

Juantula #19 Tawa

Rinig mula sa kanya ang malulutong na tawa
Kay sarap sa tenga at nakasasabay ka pa
Ngunit nakakubli sa loob nya ang malaking problema
Dinadaan niya lang sa pekeng mga tawa.

Address

Bacacay
4509

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JUAN TULA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category