Ako at ang Pluma

Ako at ang Pluma 14 - Oktobre 2023
imbakan ng mga tula ni Teven
(1)

NATSUKASHIIThe purplish memories of theeSunshine that keeps shining on meClear skies that we once dreamt to beIsland in ...
10/08/2026

NATSUKASHII

The purplish memories of thee
Sunshine that keeps shining on me

Clear skies that we once dreamt to be
Island in the ocean that’s impossible to see

In the forest of this inevitable fate
The destiny keeps me holding on to this faith

Tears covered my lonely room when you left so anon
My morning keeps on mourning for a rose that didn’t bloom

Talbos sa Taglagas
@7168 | 08.10.2026

20/07/2026

18 PURPLISH LINES

The purplish light of thee—
Brightest light I am able to see.
The bluish sky as mirror of the sea,
Future that we once dreamt to be.

But you left so anon,
In the crowded room.
The night I stared to that moon,
Tears in heaven that drowns me so soon.

In this inevitable fate is my faith,
Will the road ahead be so straight?
The destiny continues to beat,
From the that day when we first met.

You keep me walking to thy light,
Light that resembles you so bright.
In constellations you're an art,
Your light forever dwells in my heart.

In the dark, will the constellation shine,
And tell me if this be the sign?

@7168
✍️teven | 07.16.2026

HILING KO SA PAGTILA NG ULANSana sa pagtila ng ulan…Kasabay na sumikat ang katarunganSumilip nawang nakangiti ang arawSa...
11/06/2026

HILING KO SA PAGTILA NG ULAN

Sana sa pagtila ng ulan…
Kasabay na sumikat ang katarungan
Sumilip nawang nakangiti ang araw
Sa lupang minsan nang niyurakan

Sana sa pagtila ng ulan…
Kasabay na ianod nito ang katiwalian
Magliwanag nawa ang kapaligiran
Sa paglisan ng ulap ng kasakiman

Sana sa pagtila ng ulan…
Humupa na ang bilang ng gutom na tiyan
Mawaksi na sa landas ang kahirapan
At hubugin ang winasak na sinilangan

Sana sa pagtila ng ulan…
Wala ng musmos ang mamulat sa karahasan
Magkaroon nawa ng pantay na lipunan
Na hindi naka-tingin sa estado ng sino man

Sana sa pagtila ng ulan…
Wala nang paslit ang nasa labas ng paaralan
Walang bata ang pagkakaitan ng karunungan
At iwawaksi na ang lupit na dati’y nagisnan

Sana sa pagtila ng ulan…
Maipon sa timba ang ninakaw na sa kaban
Upang maibuhos sa tunay na may karapatan
At maisalin ito mula sa kamay ng gahaman

Sana sa pagtila ng ulan…
Makamit natin ang tunay na kalayaan,
Kalayaan ng bayan na inalipin ng kasakiman;
Kalayaan ng puso sa rehas ng katiwalian.

Sana sa pagtila ng ulan…
Tulad ng kalsadang dinaanan ng tubig ulan
Ay malinis din ang kalat at lumaya sa karimlan
Maglaho ang dusa sa lumuluha kong bayan.

Hinaing ng pusong nagdurusa sa sariling bayan
At nakakulong sa rehas ng malupit na kapalaran
Magdilang anghel nawa ang ibig ko’t kahilingan
Sa paglisan ng ulap, at pagtila ng ulan.

Teven | Talbos sa Taglagas – 06.11.2026

𝐖𝐇𝐄𝐑𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐃𝐈𝐃𝐒𝐓 𝐓𝐇𝐎𝐔 𝐋𝐄𝐅𝐓 𝐒𝐎 𝐀𝐍𝐎𝐍?My intentions were plainBut you’ve given me such painShould tears keep falling with th...
19/04/2026

𝐖𝐇𝐄𝐑𝐄𝐅𝐎𝐑𝐄 𝐃𝐈𝐃𝐒𝐓 𝐓𝐇𝐎𝐔 𝐋𝐄𝐅𝐓 𝐒𝐎 𝐀𝐍𝐎𝐍?

My intentions were plain
But you’ve given me such pain
Should tears keep falling with the rain?

I accidentally saw thee
But love drowns me in the sea
Why can’t you be with me?

I thought everything was plausible
But avoiding you is impossible
Wherefore is destiny inevitable?

I would fain love you
But you couldn’t love me too
Oh destiny, what should I do?

I tried to evade thee
Ere love drowned me in the sea
Should I anon set you free?

I miss those smiles of thine
In each and every sunshine
How this heart can be fine?

I love thy past lie
When thy eyes could still cry
And without me, thy heart will die

Wherefore those words could kill?
Wherefore those moments stay still?
Without thee, a heart would get ill.

Thou left me in the sea
But wherefore I can’t set you free,
And I’m still tied with a memory?

𝚃𝚎𝚟𝚎𝚗 | 01.16.2026

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐋𝐎𝐖𝐍Behind my colorful maskIs a face that can no longer laughFacing clouds of suffocating dustBehind my colo...
19/04/2026

𝐓𝐇𝐄 𝐂𝐑𝐘𝐈𝐍𝐆 𝐂𝐋𝐎𝐖𝐍

Behind my colorful mask
Is a face that can no longer laugh
Facing clouds of suffocating dust

Behind my colorful costumes
Is a man who is already consumed
When happiness is just assumed

Behind my shows and props
Is a heart with slowly fading art
While everything is drifting apart

Behind my every joke
Is a quantity of suffocating smoke
Trapped in a bottle sealed with a cork

Behind my magic tricks
Is a heart that really wants to speak
And tears that I chose to keep

Behind the happiest clown you’ve known
Is a crying and surviving clown on his own
Even if his tears were never shown

Behind the show of this strongest clown,
That made a colorful town
Are the tears of the weakest man

I would keep hiding in a mask of a clown
So they can never see me as the weakest one
Yes, it’s me. The Crying Clown.

𝘛𝘦𝘷𝘦𝘯 || 04.16.2026

10/04/2026

📌Freedom wall 'to ng makata niyo✍️

ANG ISTORYA SA TULA NG DULAAkala ko pag-ibig nati’y tila isang pelikulaNgunit isa palang mahabang dulaHango sa inakda ko...
10/04/2026

ANG ISTORYA SA TULA NG DULA

Akala ko pag-ibig nati’y tila isang pelikula
Ngunit isa palang mahabang dula
Hango sa inakda kong mga tula
Buhat sa ating tunay na istorya
At sa inipon kong mga alaala
Ngunit mula sa tagpong maliligaya
Ano’t nauwi sa luha’t trahedya?
Pinaglayo rin tayo ng tadhana—
Narito ‘ko sa entablado’t nasaan ka?
Magtatanghal pa’t tatapusin ang dula
Ipagpapatuloy pa’ng nasimulang tula
Hanggang sad ulo ng ating istorya
Ngunit ako na lamang ang lumuluha
Sa’yo’y naghihintay at nangungulila
Ano ang kahahantungan nitong kabanata,
Sa tagpong maspili nang magpalaya?
Ngunit nakakapit pa sa mga alaala
Umaasang muling pagtatagpuin pa
Ang mga pusong inihanda ng tadhana—
Hindi ito teleserye o isang drama
Bagkus totoo kung ito’y ano talaga
Sa puso ko ka’y nananatili pa;
Ngayon nga marahil ay nakalilito pa
Kung ano ang wakas ng ating istorya
Maniniwala ba na sa dulo’y babalik ka,
O bibitaw na sa tabing at lilisan na;
Nakalilito nga talaga, kung ano ba:
Kung ipagpapatuloy pa ba ang tula
Upang matapos rin ang ating dula
O sadyang ihahambing na lamang at aasa
Na ito’y tulad ng aking paboritong pelikula.

Teven || 04.10.2026
@7168

Maging Makata❌Maging Singer✅HAHAAHAHHAHHAAWITIN KONG TULA; TULA KUNG AWITINMinumulto ako ng…“Iyo ako palagi”Umaasa’t nag...
10/04/2026

Maging Makata❌
Maging Singer✅
HAHAAHAHHAHHA

AWITIN KONG TULA; TULA KUNG AWITIN

Minumulto ako ng…
“Iyo ako palagi”
Umaasa’t nagtatanong na…
“How can we go back to being friends?”

Tensionado, dahil…
“Ika’y mahal pa rin”
Maari ba na…
“Dito ka lang palagi”?

Nang tinahak ang maling daan—
“Ikaw ang kumpas kung naliligaw”
Iba pa rin talaga yaong…
“Dating tayo”

Tila wala nang patutunguhan…
“Hanggang dito na lang,
pilit ko mang ipaglaban
ang ating pagmamahalan”

Paulit-ulit nagtatanong…
“Bakit, Bakit ba iniwan mong nag-iisa?”
Taman ga, pangarap lang kita…
“Prinsesa ka, ako’y dukha”

Maari ba nating…
“Muling ibalik ang tamis ng pag-ibig”
Sapagkat…
“Kulang ako kung wala ka”

Sabi ng bibig ko’y…
“You should go and love yourself”
Ngunit, sabi ng dibdib ko’y…
“Di ko kaya, di ko kaya ako ay iwan mo”

Kailangan ko pa bang maging Rob Daniel,
Upang sabihing “Nandito ako, umiibig sa’yo”,
O maging Ogie Alcasid na sasabihing…
“Hanggang ngayon, ikaw paring ang iniibig ko”?

Sana malaman mong, hanggang ngayon…
“Araw-gabi, nasa isip ka, napapanaginip ka”
Dahil, lingid sa’yong kaalaman…
“Ikaw pa rin ang s’yang iibigin”

Ba’t mo nagawa ‘to?! Paano? How?
“How could you say you love me?”
Tapos aalis ka ng wala man lang…
“B.A.B.A.Y.”

Labis ang dusa’t pagsisisi—
“porque contigo yo ya skuhi,
Aura mi corazon ta sufri,
Bien simple lang iyo ta pidi”
Nadama mo rin ba ang pighati?

Isinatitik ngayong ika-10 ng Abril 2026
@7168

25/03/2026

KUNG MAKAKAUSAP KO ANG TALA

Kung nakakausap ko lamang ang tala
At kung sa daing ko’y sumasagot sila
Sa bawat sandaling sayo’y nangungulia
Baka sakaling sayo’y sinabi na rin nila

Kung nakikinig lamang sa’kin ang tala
Baka hindi ka tuluyang sa’ki’y nawala,
Baka naririto ka pa at nakakasama; at
Baka hindi tayo nagtatago sa isa’t isa

Kung talagang batid ito nang mga tala
At kung talagang dapat ay wala na
Sana ay tuluyan na tayo nitong pinalaya
O baka ako lamang ang hindi makalaya

Kung masusumbatan ko ang mga tala
Ibubuhos ko lahat ng emosyong nalikha
Naipon sa puso’t ginapos sa tanikala
Mga salitang matagal nang nais makawala

Ngunit wala, wala ka, wala rin ang tala
Naroon sa talaan nananatiling nakatala
Ang larawan mo’t ating mga alaala
Na tanging ikinukuwento ko sa mga tala

Batid rin ng ulan na hindi magawang tumila
Ang pag-ibig nating pilit nating pinahuhupa
Ngunit tila ba’y agos ng tubig sa sapa
Walang humpay at hindi humuhupa

Kung sakaling makausap mo ang tala
Baka sakaling sa’yo ay sumagot sila
Di kaya’y magkuwento’t madulas ang dila
Masabi nila kung gaano akong nangulila

Kung maari lamang ipakiusap sa mga tala
Na kung talaga at sadyang wala na
Tanglawan nila ang daan sa paglaya
Upang tuluyan na akong makawala

--- harinawa
03.25.2026

25/03/2026

SA MULING PAGKAKAMALI

Paumanhin
Ang nais ko lang naman ay mapalapit
Ngunit sadya talaga yatang mapait
At ang pagkakataon ay mapagkait

Ang tanging intensyon
Maituon man lamang ang atensyon
Ngunit di wasto ang aking desisyon
Ang aking nais ay hindi naaayon

Pasensya
Pinilit ko namang pigilin ito
Ngunit sadyang naninibugho
Hindi mapigil ang nais at silakbo

Kung iyan ang nais
Hindi na lamang ako muling magnanais
Ayaw ko namang ika’y muling umalis
Hindi ko na kaya’t ‘di na matitiis

Pakiusap
Huwag ka munang lumisan
Huwag mo na ulit iiwanan
Di ko maatim kung ako’y kaliligtaan

--- nagkamali muli
(paumanhin aking binibini)

Address

Baao, Camarines Sur
Baao

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Ako at ang Pluma posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category