28/02/2026
Story time: mababait talaga nasa pokemon community.
So yun na nga, after kunin ung result Ng EEG ko sa Fatima this weekend, pumunta kami ng family ko sa sm masinag. Tapos to my surprise, may quantum pala. Nanlaki mata ko kase 2 Yung vacant slot out of 4 sa mezastar. Nung sa sm taytay last week kase punuan na kala mo nirentahan the whole day. So si ako naman todo sigaw inner thoughts ko, muntanga. Edi siyempre nagtanong pa ako dun sa Kay kuya na katabi ko, (pero based sa profiling Ng nanay ko na may pagka NBI hehe, college plng siya). Anong token kukunin etc. since biglaan siya, 2 tokens lang kasi wala ako alam sa gameplay. First pokemon na bigay sakin si monferno. Sa boss battle, napili ko SI torterra kasama si Alolan Sandshrew at glaceon. Para pala makuha Yung nilabanan na pokemon, hulog token ulit. I got Alolan Sandshrew.. eto namang si nanay na mahilig mag interview, inusisa si kuya haha. Gulat na lang din ako na binigyan ako rabifoot este raboot pla. Huli ko kasing panood nung j*p version pa nung gen 8. Di ko nakuha name niya pero thank you ulit ng madami. It shows talaga na mababait ang nasa pokemon community. Sayang nga at di ko dala yung mga TCG cards ko or TCG sa cp para sa trade if ever.