Tula ni ken.

Tula ni ken. Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tula ni ken., Poet, antipolo city, Antipolo.

01/04/2024

at sa muling pagsikat ng araw ay ikaw padin ang mananatili kong buwan.

12/03/2024

"KAIBIGAN"

Sila yung mga taong maaari mong lapitan,
Sa oras ng kagipitan at kalungkutan,
Nakasama sa tambayan at kasiyahan,
Kahit pa sa mga kalokohan

Parang kapatid kung magturingan,
Mga asaran, kulitan at tawanan,
Mga ngiting hindi kayang tumbasan,
Ng kahit ano pa mang kayamanan

Mga tawang walang katapusan,
At ingay na ginagawa sa daan,
Sila ang mga tao na kung tawagin ay kaibigan,
Pero iyong malalapitan sa oras na iyong kailangan

Para sayo ano ang ibi-sabihin ng salitang kaibigan,
Dahil para saakin ito ay salitang makabuluhan,
Malalim ang kahuluhan na hindi kayang hukayin nino paman

At kung ikukwento ko sayo hindi sapat ang isang aklat,
Upang masabi ko ang lahat,
Ang masasabi ko lamang ay salamat,
Dahil sa tulang ito sila ang naging pamagat

-ken.

12/03/2024

"PANGINOON"

Siya yung hindi natin nakikita ngunit pinaniniwalaan,
Maaari mo syang lapitan at sabihan,
Ng iyong mga problema na dinadala sa buhay,
Kung sakaling katawan mo ay manamlay,
Humingi sakanya ng lakas at ito'y kanyang ibibigay

Pagdikitin mo lamang ang iyong palad at ipikit ang iyong mga mata,
Dahan-dahan at marahang manalangin sakanya,
Sabihin at ikwento ang iyong mga problema,
Hindi mo man siya makita ngunit iyong madarama

Sadya nga talagang kaybuti ng ating panginoon,
Mula noon hanggang sa ngayon,
Kung kaya naman ikaw ay manalangin palagi,
Walang bayad yun pero may sukli

-ken.

12/03/2024

"AMA"

Tatlong letra na may dalawang salita,
Ginagawa ang lahat ng kanilang makakaya,
Upang hindi magutuman ang kanilang pamilya,
Uuwing pagod ngunit yakap lamang at ayos na sila

Kung tawagin ay haligi nang tahanan,
Ngunit buhay ang ginawang puhunan,
Tayo ang kanilang kalakasan at kahinaan,
Ating patatagin ang kanilang kalooban

Kung wala sila ay wala din tayo sa mundong ibabaw,
Pagmamahal nila saatin ay naguumapaw,
Kung kaya naman ating suklian ang kanilang kabutihan,
Aking ama ako ay nagpapasalamat sayo, dahil hindi mo ako pinabayaan

-ken

11/03/2024

At kung lumipas man ang panahon
Malagas man ang mga tuyong dahon
Ang ala-ala nating dalawa ay aking ikakahon
Upang sa ating paglisan ito ay maging baon

Bumuo kaman ng bago mong kwento
At ang kasama mo ay hindi na ako
Sana ay maalala mo ang dating tayo
At sa pagtatapos ng tulang ito
Isa lamang ang hinihiling ko
Na sana ay ingatan ka ng bagong pag-ibig mo.

-ken.

11/03/2024

"BUWAN"

Isa kang liwanag sa kadiliman
Ang nagbibigay ilaw sa aking dinaraanan
Perpekto o hindi man
Napakaganda mo paring pagmasdan

Ikaw ang nagpapagaan ng aking kalooban
Ang nag-aalis ng aking kalungkutan
Pinapalitan mo ng ngiti at kasiyahan

Ngunit hindi dapat masanay na ikaw ay palaging nandyan
Dahil pagdating ng araw ako ay iiwanan modin naman.

-tula ni ken.

Address

Antipolo City
Antipolo

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tula ni ken. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category