17/11/2021
Bagong Training place ba naten to?
Inaasahang matatapos sa Marso sa susunod na taon ang konstruksyon ng P721-milyong halaga na Taytay Sports Complex, ayon kay Mayor Joric Gacula.
Sa panayam ng Tribune, ibinahagi ng alkalde na makukumpleto ang ikalawa at ikatlong yugto ng konstruksyon sa March 2022 habang ang oval naman ay sa Abril sa susunod ding taon.
“The target for the completion of our grandstand is on March 2022,” ani alkalde.
Ayon kay Gacula, makakatulong ang “world-class” na sports complex sa pagpapaunlad ng potensyal ng mga lokal na atleta.
“Many people will benefit from that because this is the only sports complex in Rizal, so the provincial government supported that,” dagdag niya.
Itinatayo ang naturang pasilidad sa isang 8.5 ektaryang lupa na pag-aari ng lokal na pamahalaan sa Barangay Muzon.
Ang Taytay Sports Complex ay dapat magkaroon ng 10,000-seating capacity at dapat sumunod sa international standard, upang makapag-host ng mga pambansa at maging ng mga internasyonal na kompetisyon.
Source/Photo: Neil Alcober/Tribune