04/08/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ ๐๐! ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐, ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐
Para sa Episode 18 ngayong 6 Agosto 2026, makakasama natin ang Tagapangulo ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) na si Atty. Marites A. Barrios-Taran upang talakayin ang kasaysayan at esensiya ng pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa. Tampok din ang pagbabahagi ng rasyonal ng tema at paglalarawan ng bawat simbolong makikita sa poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon."
Ibabahagi rin ni Tagapangulong Taran ang iba't ibang programa at aktibidad ng KWF kaugnay ng nabanggit na pagdiriwang na dapat abangan at lahukan.
Tara na't makiisa sa makabuluhang talakayan. Makinig sa Radyo Magasin 1278 AM, The Capital FM 104.3, at panoorin ang livestream sa opisyal na page ng Radyo Magasin 1278 AM, 1:00 ng hapon ngayong Huwebes.