18/06/2026
Maraming salamat Ang Tambuli - Sta. Monica Parish Angat, Bulacan!
Ang karangalang ito ay iniaalay namin sa ating Poong Maykapal at kay Sta. Monica na Ina ng ating Parokya.
Sta. Monica, Ipanalangin mo kami.
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐. ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐!
Buong kagalakan at pagmamalaki naming binabati ang ๐ฆ๐๐ฎ. ๐ ๐ผ๐ป๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐๐ต ๐๐ต๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฒ๐ฟ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด๐ฒ๐ฟ๐ sa kanilang natamong tagumpay sa katatapos lamang na ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด ๐ง๐ฎ๐ฟ๐น๐ฎ๐ฐ ๐ฆ๐ถ๐ป๐ด ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, isang National Choral Competition na nilahukan ng ilan sa mga mahuhusay na koro mula sa iba't ibang panig ng bansa.
Sa pamamagitan ng kanilang dedikasyon, sipag, disiplina, at kahusayan sa sining ng pag-awit, matagumpay nilang naipamalas ang kanilang talento at naitaas ang dangal ng ating parokya at bayan ng Angat. Sa pangunguna ng kanilang Choirmaster na si ๐ ๐. ๐๐ถ๐ฐ๐ฎ ๐๐ฒ๐ฟ๐ฟ๐ฎ ๐๐ฎ๐น๐ถ๐ฐ, nakamit ng grupo ang "๐๐๐๐๐๐ ๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐", isang pagkilalang bunga ng kanilang pagsusumikap at pagmamahal sa musika at paglilingkod sa Simbahan.
Ang inyong tagumpay ay hindi lamang karangalan para sa inyong grupo kundi inspirasyon din sa ating pamayanan, lalo na sa mga kabataang patuloy na hinuhubog ang kanilang mga talento para sa ikaluluwalhati ng Diyos. Nawa'y magpatuloy kayong maging instrumento ng kagandahan ng musika at pananampalataya sa bawat awiting inyong iniaalay.
Muli, taos-pusong pagbati sa Sta. Monica Parish Chamber Singers!