14/07/2024
SPOKE #19
"MAY PAG-ASA BA?"
(May Eksaktong Rason at Oras na Nakalaan)
Nagsimula ang lahat sa pangyayaring di ko inaasahan,
Yung tipong ikaw ay simpleng tao lang ngunit ako'y nabihag mo ng tuluyan
Saktong patapos na ako sa Senior High School noon,
Nang biglang nasilayan ko ang kakaibang katangian na ika' y mayroon.
Biglang naduwag, umurong at natigil ang lahat,
Baka kasi malaman ng mga kaibigan ko at ng mga tao ang nais ko sanang ipagtapat
Pansamantalang huminto ang aking paghangang naramdaman,
Nung ang pag-ibig ko'y naibaling sa ibang binibini at ninais ko siyang ligawan.
Tunay nga na ang lahat ay minsa'y may hangganganan,
Panahong pinatigil akong manligaw ng hindi ko manlang napaghandaan
Simula nun, nasabi ko sa sarili ko na huwag na muna at pahinga na muna sa ganito,
Na hindi na muna ako tatablan sa kahit sinong babaeng makikita at makikilala ko.
Nagdaan ang ilang mga buwan, araw at linggo,
Pagkakataong nasanay at kampante na ang kalmadong lagay ng aking puso
Muli kitang nakita sa isang maingay na lugar kung saan lahat ng tao ay nagsasaya,
Pasimple akong gumawa ng paraan sa mga oras na iyon para lamang mapalingon kita.
Malakas ng kutob kong umaayon talaga saakin ang panahon,
Dahil narin sa malakas na pananalig at pagtitiwala ko sa Panginoon
Nagpatuloy ang lahat dahil sa hindi ko napigilang pagkuwento sa iba ang mga tungkol sayo,
Na siya namang naging bunga upang ang lahat ng iyon ay makarating at malaman mo
Sa mundong dinami-rami ang nagkalat at nag-uusbungang haka-haka
Inamin mong sa una'y hindi ka naniniwala at iniisip mong imposible talaga
Tanong sa iyong isipan na kung papaano at kung kelan pa nagsimula,
Ako rin naman ehh, hindi ko rin maipaliwanag at inaasahan ng sobra.
Umabot narin ang lahat maging sa social media,
Mga malalapit na kakilala ko'y nakakahalata at mine-mentioned ka na nga
Kinakabahan at nahihiya na ako kasi baka may ginagawa ka at naiistorbo
Ngunit sa pinaka-espesyal na araw ni Kristo,
Hindi na ako nagdalawang isip pa na galawin na ang baso.
Walang alinlangang iparating sayo sa mga oras na iyon ang pagbati ko,
Pati narin ang mga salitang atat na atat kong bigkasin sayo
Ilang minuto ang nakalipas nakita at nabasa mo na ang lahat-lahat
Iyon ang unang gabing nagkausap tayo na sana'y noon pa pala dapat.
Hindi gaanong nagtagal ang ating unang usapan,
Ikaw ay nagdalawang isip sa mga pangyayari dahil nga biglaan
At ako nama'y naduwag muli dahil sa iisipin at opinyon ng ibang tao
Ngunit aking napagtanto,
Na para saan pa na sinabi kong ikaw ang aking gusto kung susuko agad ako.
Ngunit hinayaan muna kita upang gawin ang lahat ng pinagkakaabalahan mo,
Ngunit di ko maiwasang tanungin ka sa mga taong nakakasama at pinagkakatiwalaan mo
Ako naman noo'y nagpokus muna sa mga bagay na nakakapagpasaya saakin,
Ang mga naganap at nalaman ay isinantabi muna natin
Kaya't ang sitwasyon ay bumalik sa normal at simula,
At ang lahat ay ipinagkatiwala nalamang sa salitang "bahala na muna".
Grabe talaga magbiro at gumawa ang tadhana ng sinasadyang paraan,
Sa isang malaking kaganapan muli tayong nagkita at nagkausap nanaman
Ngunit sa mga pagkakataong iyon, nasabi mong ako na'y may napatunayan,
May mga pangyayari naman talaga na mas masaya kapag di inaasahan at napagplanuhan.
Mula noon, hanggang ngayon kausap parin kita,
Nasabi mong hindi natin hawak ang kinabukasan kaya't atin munang ipagkakatiwala
Sa ngayon dun muna tayo sa salitang "bahala na muna"
Hangga't dumating sa pinaka-hihintay na araw na talagang sigurado na talaga.
REQUEST BY; Sir Clouds
~sundayramirezlericka❤️