17/02/2026
Tuwing nagda-drive ako pauwi galing Reptiland, tahimik akong nagdarasal kay Lord.
Sinasabi ko, “Pangarap ko na pagdating ko ng singkwenta, payapa na ang isip at katawan ko. Sapat na siguro ang mga gabing ginawa kong parang araw, ang pagod at sakripisyong inalay ko para sa trabaho at para sa pangarap na ito.”
Alam kong patuloy na tatakbo ang Reptiland kahit hindi na ako ang araw-araw na namamahala, at doon ako mas nagiging panatag.
Dahil sa puso ko, alam kong ibinigay ko ang lahat ng makakaya ko.
Panahon naman siguro para mas madalas akong umuwi, yakapin ang aking asawa, makasama ang aking mga anak, at namnamin ang mga simpleng sandali na matagal kong ipinagpaliban para sa pangarap na ngayon ay natupad na.
Maraming salamat sa inyong lahat. Hanggang sa muli. 💚