25/10/2021
Hoy! Ano na! Malapit na ang birth month ko pero ang lagay ganito pa din! Hays. Ayoko na ng may facemask at face shield lalong lalo na sa social distancing nayan. Naranasan ko na kasi yan noong nakaraang taon, wag naman na sana ngayon. Hindi kasi masyadong masaya kapag kulang. Wala yung ibang kamag-anak, wala si BFF, wala si crush, at higit sa lahat si jowa hindi rin makadalo *kung mayron man, sana all!. Nakakamiss na yung may pabeso-beso at yakapan kapag nagkikita-kita, kantahan sa videoke hanggang hating gabi, punasan ng cake sa mukha lalo na sa mga walang ambag, char, at ang pinaka the best syempre yung salo-salo kayong kumakain sa hapag kainan na may kasamang tawanan ata asaran.
Sa totoo lang kaya natin ulit maranasan yung mga ganitong klaseng kasiyahan kung tayo ay magkakaisa sa pamamagitan ng PAG PAPABAKUNA. Hindi man nito kayang pugsain ang Covid-19 ng isang daang pursyento pero KAYANG KAYA TAYO NITONG TULUNGAN NA LABANAN ANG VIRUS sa loob ng ating katawan kung sakaliman na mahawaan tayo nito. Pero syempre kasabay nito ang PAG SUNOD SA HEALTH PROTOCOL, na inalinsunod ng ating pamahalaan. Sa pamamagitan nito, mas mababawasan na ang pagkalat at pagtaas ng kaso ng Covid-19 sa ating bansa at kapag nag tuloy-tuloy, panigurado makakawala na tayo sa pandemyang ito.
Kaya ano pang hinihintay mo, oo ikaw! mag pabakuna ka na rin! tulad ko na kumpleto na ang aking bakuna na may pangalang GAMALEYA SPUTNIK VACCINE. Hindi naman masakit magpabakuna, may konting ngalay lang sa braso, pero mas ayos na iyon kaysa naman mag 14 DAYS QUARANTINE diba! Ayusin ang desisyon sa buhay *wink.
Buti pa sila Benedict Cabalitazan, Andrea Alexis Dalindin at Shin Palmer palaging nangunguna kapag pang kalusugan na ang pinaguusapan, Good jab sa inyo amighost!
PopStar