21/06/2025
Omsim
CUTE NA TUTA, UNA SA PILA NG FEEDING PROGRAM PARA SA MGA BATA!
Kinaaaliwan ngayon ng netizens ang isang tuta, matapos mag-viral ang larawan nito na nakapila sa isang feeding program para sa mga bata.
Ang tuta ay kilala sa pangalang Pogi — isang asong gala sa pinagdausang lugar.
Ayon sa mga volunteer, si Pogi ay palaging present sa tuwing may community event at feeding program sa kanilang lugar, at palagi raw nila itong binibigyan ng pagkain dahil talaga namang “behave” ito sa pagpila.
Kaya sa susunod na makakita tayo ng asong pagala-gala, huwag natin silang itaboy, at sa halip ay bigyan ng nararapat na pagmamahal at aruga.
Dahil katulad ng mga tao, nakararamdam din sila ng gutom at nagtataglay ng emosyon, kahit na hindi nila ito nasasabi sa pamamagitan ng mga salita. Kagaya rin natin silang sinusubukan lamang mabuhay sa araw-araw sa gitna ng masalimuot at mahirap na mundo.