01/07/2025
045: kulam
limang salita ngunit ilan na ang nagambala,
kaya naman huwag galitin ang mananalita,
dahil tiyak na sa orasyon nya ika'y tutumba.
mga taong hindi kilala,
kung maaari wag ng pakialaman pa,
sapagkat maaari mo itong maging problema,
at umabot pa sa kulam at sumpa,
na habang buhay mong dala-dala,
kung ikaw ay makakaligtas pa,
kaya wag basta mag titiwala,
at ugaliing makisama.
insektong lumalabas sa bibig,
gawa ng bulong nya na hindi tumatahimik,
hawak na kandilang nanginginig,
ng albolaryong nag papatahimik.
hihigupin ang enerhiya sa katawan,
hanggang sa maging kalansay na lamang,
sakal ng aninong nakak**atay,
sa bulong nya may itim na hanging kumakaway,
kulam na may manika,
manikang kokontrol sayo na parang bata,
karayon ang sandata,
at kabaong ang dala.