01/12/2025
Ang food business ay hindi simpleng negosyo. isa itong journey na puno ng emosyon, pagod, saya, kaba, at pananalig. May mga araw na ang daming dumadaan pero walang pumapasok. May mga oras na nakatingin ka sa pinto, naghihintay ng isang customer para lang mabuhayan ang loob. At may mga araw naman na hindi mo alam kung saan ka huhugot ng tao dahil biglang dumog, biglang pila, biglang ubos ang paninda.
Ganyan talaga ang realidad ng negosyo, hindi pantay, hindi pare-pareho, at hindi palaging nasa pabor mo ang sitwasyon. Pero ang kagandahan ng food business? Lahat ng pinaghihirapan mo, may kapalit. Lahat ng tiniis mo, may katapat na reward.
Kapag tuloy-tuloy kang nagbubukas, kahit matumal. Kapag consistent ka sa quality, kahit walang bumibili. Kapag hindi mo binibitawan ang pangarap mo, kahit ramdam mo ang bigat ng araw. Doon kumikilos si Lord. Doon Siya nagtatayo ng paraan para dumating ang araw na hindi mo na kailangang mag-worry kung may customer pa ba, kasi ikaw na mismo ang puntahan.
Kaya huwag kang mapagod. Kung naniniwala ka sa negosyo mo, alagaan mo ito. I-level up mo, pagandahin mo, pag-pray mo. Dahil ang negosyo na pinagpupuyatan, ineeffortan, at ipinagdarasal. Yan ang negosyo na binibigyan ng breakthrough.
Hindi mo kailangan maging perfect. Kailangan mo lang maging consistent. At kapag napatunayan mong kaya mong magtagal kahit may mahirap na araw, mas lalo kang paghahandaan ni Lord para sa mas malalaking araw.
Kapit lang, negosyante. Ang mga matumal na araw ay hindi sign na titigil ka. Sign yan na mas malaki pa ang paparating. At kapag dumating na, masasabi mo talaga: “Lord, ito na pala yung plano mo. Worth it lahat”
Amen!