ang favorite muse ko ay ikaw

ang favorite muse ko ay ikaw Informations de contact, plan et itinéraire, formulaire de contact, heures d'ouverture, services, évaluations, photos, vidéos et annonces de ang favorite muse ko ay ikaw, Poète, Paris.

10/06/2024

i love chinitos 😍😍😍

“pre‚ lunch time na hindi ka pa ba kakain?”napaka-seryoso mo talaga kaya kahit mga babae ay takot sayo‚ pati ako takot—t...
17/04/2024

“pre‚ lunch time na hindi ka pa ba kakain?”

napaka-seryoso mo talaga kaya kahit mga babae ay takot sayo‚ pati ako takot—

takot sa nararamdaman ko para sayo. lunch time na pero inaayos mo pa rin yung relo mo‚ handa ko namang ibigay ang buong oras ko sayo. ang tanong ay tanggapin mo kaya ito?

“susunod na ako sa inyo‚ may gagawin pa ako”

huwag na lang kung hindi ka kasama‚ mas mabuti pang maghintay ng ilang minuto at segundo kaysa sa hindi kita kasama.

“hintayin na lang kita‚ ‘di pa naman ako gutom e”

patay gutom talaga ako lalo na sa atensyon mo‚ ni hindi mo lang mapansin na andito ako para sayo.

‘e tipo mo ata mga chinita habang ako chinito‚ isali ko na rin yung mga mestiza.

“hihintayin mo talaga akong mag-ayos ng relo? patulong nga dito pre kung ayos lang”

aba ayos na ayos yan‚ kahit pa hindi ako marunong ay tutulungan kita.

“sige‚ ayos lang sa akin. saan ba riyan?”

naayos na natin yung relo mo‚ ‘e yung “tayo” kailan ba mabubuo?

“sorry pre‚ akala ko yung panyo ko e”

aksidente kong nahawakan ang kamay mo o sinadya ko? akala ko panyo e‚ ilalabas ko sana ‘tong sipon ko este nararamdam ko para sayo.

“ayos lang‚ halika rito. punasan kita‚ napagod ka ata e”

mukhang mahihirapan akong huminga nito‚ ang lakas ba naman ng tama ko sayo.

“gusto kita”

bahala na kung anong sabihin mo‚ lumabas na talaga e. ano pang magagawa ko?

“ginagaya mo na naman ako”

“ha?”

—filomena

05/04/2024

paano kaya kapag sinabi ko lahat sayo?
makikinig ka ba at ako’y titignan sa mata?
hindi ko na alam kung paano ko pa itatago ito—
pagsintang hindi naputol simula nang ika’y masilayan.

paborito kitang tanawin‚
nararamdaman ko ang ginhawa ng buhay kapag
nariyan ka. ngunit hindi mo ito alam—
mukhang ayoko rin na ipaalam.

itatala ko na lamang ba sa mga tala?
sa hiwaga ng buwan na kung saan siya lamang
ang nakakaalam ng pagsinta ko sayo‚
kasama na ang mga tula na iniaalay ko sayo.

itatago ko na lang siguro.

—luevelle

31/03/2024

sulat lang ako nang sulat‚
baka kasi makita mo

at

malaman mo rin na

ang favorite muse ko ay ikaw.

—sera

31/03/2024

when i’m lonely‚
i always think about you.

it hurts like hell‚
knowing damn well

that you weren’t doing
the same thing—

you don’t care about me.

—sera

12/02/2024

“ang favorite muse ko ay ikaw”

muse kita sa lahat.
top tier ka talaga mahal ko.
sa mga tula at awit ko‚
ikaw ang laging paksa nito.

minsan nga ay natatawa na ako‚
alam mo ba kung bakit?
nagiging matalino ako pagdating sayo‚
bagay na hindi ko nagagawa sa klase ko.

iba ang epekto mo‚
tinamaan ako sayo.
iba talaga kapag nagmahal‚
hahamakin at gagawin ang lahat.

—sera

12/02/2024

kung ako man ay mayroong
pangalawang buhay.
gusto ko‚
gusto ko na ikaw pa rin.

—sera

Adresse

Paris

Site Web

Notifications

Soyez le premier à savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque ang favorite muse ko ay ikaw publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisée à d'autres fins, et vous pouvez vous désabonner à tout moment.

Partager

Type