sucking the marrow out of life

sucking the marrow out of life ๋࣭ ⭑⚝ aspirer la moelle de la vie ne signifie pas s'étouffer avec l'os ౨ৎ. some pics are from ig

sa'yo rin ang pagkumbinsi ko sa'king sarili na kaibigan ka lamang.
04/09/2026

sa'yo rin ang pagkumbinsi ko sa'king sarili na kaibigan ka lamang.

sa lahat ng alternatibong sansinukob, gugustuhin ko pa ring makilala ka.
30/08/2026

sa lahat ng alternatibong sansinukob, gugustuhin ko pa ring makilala ka.

matagal ko nang alam sa sarili ko na sobrang hirap bigkasin para sa akin ang mga salitang “mahal kita.” bilang sa daliri...
22/08/2026

matagal ko nang alam sa sarili ko na sobrang hirap bigkasin para sa akin ang mga salitang “mahal kita.” bilang sa daliri ko ang beses na binigkas ko iyon at gano'n din ang beses ipakita ang lahat ng bahagi ng sarili kong matagal kong itinago.

nagsimula tayong lahat bilang mga alamat—mga pangalang naririnig ko sa ibang tao at mga mukha na nasisilayan sa pasilyo.

hanggang sa dumating ang isang bilog na lamesang puno ng tawanan, kalokohan, mga tapik sa likod, at daliring panghahawakan ko sa tuwing tumatawid.

sa piling ninyo, hindi ko kailangang magsinungaling o magkuwento para lamang mapunan ang katahimikan. sapat nang naroon ako. sapat nang kilala ninyo ako.

kailanma'y hindi ako nalulunod kapag kayo'y aking kasama. kaya sa tuwing umaahon ako, hindi ko namalayang naging araw kayo sa buhay ko. at sa lahat ng pagkakataong kinamumuhian ko ang init ng araw, hindi ko pala nararamdaman ang pangangati nito kapag kayo ang nagbibigay-liwanag.

at marahil iyon ang pinakamasimpleng paraan upang sabihin ko ang mga salitang matagal kong hindi mabigkas.

sa bawat pagtubos ninyo sa pawis na dumadanak sa leeg ko, sa bawat tawanan na nagpapagaan ng araw, sa bawat pagkakataong hindi ko kailangang magtago sa inyo, at sa bawat sandaling ipinapaalala ninyong buhay pa ako—

mahal ko kayo.
higit pa sa tatlong libo.

kahit gaano pa kalayo ang pagitan natin—sa sta. mesa, santa cruz, sampaloc, macabling, pulo, o katapatan—hindi magbabago ang pagmamahal ko sa inyo.

at kung hindi ko man kayang sabihin iyon nang diretso, sana makita ninyo sa paraan ng pananatili ko.

mahirap lumaban kung ang sumusuko mismo ay ikaw.because honestly, we were supposed to end on good terms. we were suppose...
02/08/2026

mahirap lumaban kung ang sumusuko mismo ay ikaw.

because honestly, we were supposed to end on good terms. we were supposed to be the kind of people who could still greet each other during birthdays or holidays. technically, we still can, but i doubt you’d even do that now, especially with how distant and cruel you’ve become. i guess we’re both proof that “all’s well that ends well” isn’t always true.

and maybe one day, you’ll meet someone who has the same intensity and capacity to love you—and grieve you too. you’ll find someone. easily.

if ever i cross your mind, just know that it’s probably happening twice as much to me.

i could actually consider the possibility that maybe this is your way of being gentle with me, pero hindi ibig sabihin n...
30/06/2026

i could actually consider the possibility that maybe this is your way of being gentle with me, pero hindi ibig sabihin no’n na hindi siya masakit. sinubukan kong intindihin na baka kailangan mo lang ng oras bago mo tuluyang masabing direkta sa akin ang totoo.

pero huwag mong sabihing hindi mo kayang magpakita sa akin. lubusin mo na. kasi alam naman nating dalawa na kahit utak mo pa ang kalaban ko, hindi ganito magparusa ang mga diyos na mahabagin. dahil ang ginawa mo ay higit pa sa kaya kong unawain, at higit pa sa kaya kong patawarin nang basta-basta.

and it’s almost funny how i ended up dedicating my favorite line from exile au to us—a story about one person learning how to move on while the other stays behind in the apartment they once called home, after the former ran away from their own wedding. and when that person finally came back to apologize, i couldn’t help but wonder if the apology came from genuine remorse, or if it was only meant to ease the weight of their guilt so they could finally continue living their life.

“ikaw ang pinaka-mababaw na porma ng kasiyahan, at ang pinakamalalim kong kalungkutan.”

at somehow, tayo iyon sa huling buwan ng unang kalahati ng taon.

sangkapat na taon, hindi pito.ikaw sa dash 7, hindi si dio.hindi ako nag-iinom, pero lasing sa’yo.dalawang bagay ang nai...
20/06/2026

sangkapat na taon, hindi pito.
ikaw sa dash 7, hindi si dio.
hindi ako nag-iinom, pero lasing sa’yo.
dalawang bagay ang naiipit dito:
‘naiintindihan kita’ at ‘mahal kita’ mismo.
parehong hindi ko masabi nang buo,
kaya bawat katahimikan, kasalanan ko.
sa olfu, pangalawang palapag ng sr3 tayo,
o kahit saan, hanggang sa humantong tayo sa dulo.

hindi mo kasalanang gusto mong magpasalamat sa’kin sa huling pagkakataon. pero sana, sinabi mo kaagad ang intensyon mo at pinaghandaan mo rin ang mga maaaring mangyari pagkatapos mong mag-reach out. dahil hindi mo rin ako masisisi kung nabihag na naman ako ng utak kong laging masama ang iniisip tungkol sa ibang tao—walang nagturo sa’kin ng kabutihan nang sapat para piliin agad iyon.

knaging madali para sa’kin noon sapagkat iniisip kong galit ka sa’kin. pero ngayong hindi mo magawang magsabi ng kahit anong pagkamuhi, ako naman ang nahihirapan.

dahil hindi mo rin dapat hinihingi ang pagkakataong makausap ako kung alam mong hindi rin naman magiging madali para sa’yo ito. kilala mo ako. hindi ako tumitigil kapag hindi ko nakukuha ang gusto ko—at ikaw iyon.

kaya tulungan mo ’ko. ikaw, tapos ka na sa sitwasyong ito. magalit ka sa’kin kung kinakailangan. huwag kang maging marahan sa’kin, dahil mababasag din naman ako kahit anong paraan ang piliin mo.

at kung pinipili mo talaga ang sarili mo ngayon, ipakita mo. hawakan mo ang sarili mo nang marahan, katulad ng paghawak mo sa’kin noon. baka sakaling doon ko maintindihan na kahit paano, tama rin ang naging desisyon ko.

kahit sinong taong hindi marunong uminom ay mapapainom muli kapag nagparamdam ang kanyang sinta. ngunit malas, sapagkat ...
18/06/2026

kahit sinong taong hindi marunong uminom ay mapapainom muli kapag nagparamdam ang kanyang sinta. ngunit malas, sapagkat muli ring hihinto ang mundo sa mga katagang, “kailangan mong tanggapin ang desisyong sa tingin ko’y makabubuti para sa ating dalawa.”

tandaan mo sanang kahit hindi ako lasing, gusto kita—o baka higit pa sa kaya kong aminin. kaya nga pinantasya ko ang iba't ibang klase ng alak, umaasang matitiis ko ang isang buwang walang pag-uusap. ngunit sa huli, sinampal pa rin ako ng reyalidad: mayabang ako sa paraan ng pag-asta kong parang wala akong pakialam, gayong isang salita lamang mula sa’yo ay sapat na upang hindi na naman ako makatulog.

at ngayon, alam mo na, G.

mahal kita, kaya lalabanan ko ang sistema at magagalit ako sa mga bagay na pumipigil sa ating magkita sa gitna.i will sa...
26/05/2026

mahal kita, kaya lalabanan ko ang sistema at magagalit ako sa mga bagay na pumipigil sa ating magkita sa gitna.

i will save what little money i have left, even if it means skipping meals, just to see you.

kahit hindi tayo bagay sa aspeto ng katayuan sa buhay at kahit wala akong pribilehiyo, mahal kita.

wrote this last may 15 while putting myself in the shoes of the people who tried to love me, and i kept wondering what s...
24/05/2026

wrote this last may 15 while putting myself in the shoes of the people who tried to love me, and i kept wondering what song would fit it once i finally posted it. i made a few small tweaks later on after olivia released “the cure.” it was also inspired by ron canimo’s piece, “lucia,” which is why i chose to use that name.

to be honest, this is not a direct aim at people with avoidant attachment styles, unlike the way these conversations are often handled on social media. this is more of a direct dissection of myself and the kinds of issues i carry—my inner being seen through the perspective of others, or maybe through the perspective of my guilt and the things i still cannot bring myself to admit out loud. if you ever find yourself resonating with this, i hope healing finds you gently.

prompt ni viyekz: prose tungkol sa nagliliyab na pag-ibigme and that 120225 prose: keep me on fire, keep me honest, keep...
21/05/2026

prompt ni viyekz: prose tungkol sa nagliliyab na pag-ibig

me and that 120225 prose: keep me on fire, keep me honest, keep me kind, keep me as your finish line ✋☹️

Adresse

Clermont-Ferrand

Notifications

Soyez le premier à savoir et laissez-nous vous envoyer un courriel lorsque sucking the marrow out of life publie des nouvelles et des promotions. Votre adresse e-mail ne sera pas utilisée à d'autres fins, et vous pouvez vous désabonner à tout moment.

Raccourcis

Partager