12/01/2024
❤️🔥 𝗦𝗨𝗟𝗢𝗡𝗚, 𝗛𝗨𝗠𝗔𝗡𝗜𝗦𝗧𝗔!
I believe our journey deserves a lengthy post, but I’m too shy to post this on my main account, so here it is.
At first, I knew most of us were in it for the grade. Maraming napipilitan lang magpractice, pero umaattend pa rin kasi takot bumaba ang grade. May iilang wala talagang takot at umaabsent talaga, kung hindi naman absent, late. Medyo nagkakaproblema kasi never tayong nakumpleto sa practice. After multiple practices, nabubuo na natin ‘yung sayaw at ‘yung mga absent ay minsan dalawa nalang o tatlo, though marami pa rin ang nalalate, pero a little spirit to win is finally there. Sayang nga naman ang pagod kung hindi mananalo, diba?
Then, the competition is quickly approaching, medyo malinis at napolish na natin ang steps. Ang problema naman ngayon ay yung mga props. No concrete plan for it. I still recall the moment when we saw the props of other sections and felt under pressure, 3 days nalang bago magcompetition noon, at hindi na kaya mageffort nang sobra kaya no choice na tapusin ang nasimulan. Wala pang back-drop, wala pang skirts yung iba, wala pang headdress, nagkakaubusan ng straw at sako. Marami rin tayong naririnig na magaling din ang ibang sections at sobrang energetic nilang sumayaw, kaya ‘yung spirit na manalo nung mga nakaraang araw, nawala ulit.
Pero, sino ba sa section na ‘to ang nagpapatalo? As soon as we heard other people saying that we would lose, we became driven to win just to prove them wrong. The determination is there again until last practice.
Araw na ng competition. Okay na lahat, kabisado na ang steps, may props na, nagawan na ng paraan ‘yung back-drop. Magpeperform nalang. Alam ko wala na tayong iniisip lahat nung sumasayaw, ngumiti nalang tayo at ginawa ang lahat. “Last na naman ‘to,” sabi nga natin, why not do our best? Ang iba siguro satin ay hindi na nagexpect kasi magaling talaga ang dalawang section nating kalaban, pero at least tapos na at alam nating binigay natin ang lahat.
“Sila po ay dating Foxtrot,” this is the line that was mentioned when announcing who’s the winner in our strand. Sobrang saya at sobrang sulit ng pagod, iyak, at pagoovethink. Sobrang nakakaproud. Kung pwede lang irelive ang moment na ‘yon, sure akong paulit-ulit na nating ginawa.
Tayo ang naging representative ng strand natin para sa finals. Ramdam na ramdam natin ang support ng dalawang sections, which si Gandhi at Heidegger, syempre pati ng mga teachers natin na sina Ma’am Jhen at Ma’am Joms. Sobrang gusto nating magchampion, kaya gumawa tayo ng paraan para magimprove lahat, kaya iniba natin ‘yung steps. There’s no harm in trying, ika nga nila, kaya nagtry talaga tayong magpakita ng something different. Kaso, 2 days lang ang meron tayo kaya hindi napolish ang steps. Nagpractice tayo before our performance, pero syempre, hindi maiiwasan ang pagkakamali. Probably also caused by fatigue and body pain, as well as lack of time. But, everything happens for a reason. So, that’s okay. At least umabot ng finals.
Karamihan satin ayaw nang bumaba nung iaannounce na kung sino ang mga nanalo, pero dahil nga malalakas ang loob natin, bumaba pa rin at sinabing tanggapin nalang if ever mang hindi marinig ang pangalan ng section natin. Nung iaannounce na ang 3rd placer, sigurado akong lahat tayo nakatulala. Nung narinig natin ang, “Freud!” lahat siguro tayo noon ay gulat na gulat. Sobrang sulit na nagkaroon tayo ng Special Awardees, pag-akyat sa third floor nang masakit ang paa, paglakad papunta sa court kung san mang location tayo magpractice. Biggest plot twist ever.
Tara, practice na tayo for One Act Play! 😄