30/01/2023
ISANG BUONG ARAW
Paggising sa umaga
Anong saya ang nadarama
Salamat sa paghinga
Panginoon, iba ka talaga
Isang buong araw ngayo'y haharapin
Sa maghapong hamon, lalaban pa rin
Bawal sumuko, bawal tamarin
Kung napapagod, ika'y pwedeng pagpahingahin
Hindi ka sigurado kung anong mangyayari
Kaya't dapat ihanda ang sarili
Kalma ka lang, iwasang mangunsumi
Ngiti sa labi ay dapat mapanatili
Sabi ng marami, kape lang malakas na
Pampawi ng pagod habang nagpapahinga
Pantanggal ng antok dahil may trabaho pa
Pampasigla ng katawang nanlulumo na.
Iwasang mag-isa at walang kasama
Kapag kailangang huminga, may makakausap ka
Kapag napapasuko na may malalapitan ka
Iwas depresyon, sa tulong ng mga kasama
Isang buong araw na puno ng karanasan
Karanasang magsisilbing g**o ninuman
Ano mang klase ito, dapat pasalamatan
Ito ang bubuo at hihinang sa iyong katatagan.
My
Let's know that