11/05/2026
Officially announced today by Nurse Even in his social media pages. See you mga KUNARS 🤩
G’DAY MATE. G’DAY AUSTRALIA! 🇦🇺
Kahit kailan, hindi ko inakalang sasabihin ko ang mga katagang ito… MGA KUNARS, I AM BRINGING MY SHOW TO AUSTRALIA. 🥹
Para po sa mga hindi nakakaalam, Australia talaga ang first dream ko bago ko subukan ang UK. Back in 2018–2019, I tried so many times to pursue my nursing dream sa Australia. Lahat ginawa ko para makapunta ng Australia… ilang retakes, ilang agencies, ilang school inquires, ilang iyak, ilang dasal… LAHAT! But every single attempt failed. Dumating na sa point na sinabi ko na kay Lord na, “Baka hindi talaga para sa akin ang Australia. Maybe I’m not destined to work there.” Yun na yung time na nag give up na ako and took a chance in the UK instead.
But life really has a beautiful way of bringing back THE DREAM I once cried over. 😭 Sinong mag-aakala na ang bansang mailap sa akin noon ay mapupuntahan ko na ngayon? And this time, I’m coming there to bring my show sa inyong lahat, mga KUNARS! 😱
Lord… PANGARAP KO LANG PO ITO! 🥲
Mga KUNARS, maraming salamat sa inyong lahat. None of this would ever happen kung hindi dahil sa inyong love and support. Talagang inilaban ko ito sa team ko. Ipinakiusap ko na isama ang Australia sa tour dahil ang dami kong natatanggap na requests na mag show ako diyan. So sana po ay suportahan ninyo ako dito sa special milestone na ito. 🙏🏻 Sobrang excited na akong makita kayong lahat! Kahit isang gabi lang, kalimutan natin ang problema, kalungkutan, at homesickness.
SEE YOU SOON, AUSTRALIA! 🇦🇺
- Tickets available via my website
- Rated SPG
- Show presented in Filipino