Mga Luha ng Alitaptap

Mga Luha ng Alitaptap Mga karanasan, pakiramdam at pakikibaka. Anumang pagkakatulad sa pangalan at sitwasyon ay di sinadya.

SA KANTINAFirst posted 17:28:54 (Mla time) July 05, 2006Mary Ann CariquezINQ7.netNadinig ko ang anasan,May himig ng pagt...
26/08/2025

SA KANTINA
First posted 17:28:54 (Mla time) July 05, 2006
Mary Ann Cariquez
INQ7.net

Nadinig ko ang anasan,
May himig ng pagtatalo;
Nagsusumamo ang babae
Pumipiksi ang ginoo.
Kumawala sa kamay
Ang papel na hawak ni misis,
Nilipad sa aking paanan…
Isang reseta.
Sige pa rin sa sikuhan,

Itinuro ko na ang naibigan kong ulam,
At ang katambal na pamutat
Humiling nang nagyeyelong inumin;
Bahagya pa akong napalunok
At binasa ko ang aking labi.

Napahinto ako,
Nahagip ng tenga ang tanong
At tungayaw ng serbidora
Pasinghal, ang libreng sabaw aniya,
Ay para lamang sa bumibili ng ulam
Ipinagdamot kahit ang sarsa.

Napatingin ako, matagal
Sa dalawang tasa ng kanin,
Kapwa kayo nagbaba ng tingin
Napagtuunan ng pansin ang reseta;
Padisimulang dinampot
Halos kayo ay magkauntugan
Sinamantala ko ang pagkakataon,
Hindi naman siguro mamasamain.

Binayaran ang lahat ng nakuha,
At pumili ng lamesang bakante
Nagpakalayu-layo ako
Habol ninyo ako ng tanaw;
Kalakip ang piping pasasalamat.

Tila may bikig ang lalamunan,
Tapos na akong magdasal
Nanginginig ang kamay, aking sinimulan
Ang masaganang tanghalian.


"Remember Mercy" A powerful story about the resilience of the Filipina spirit, the strength of family, and the quiet mir...
31/07/2025

"Remember Mercy"
A powerful story about the resilience of the Filipina spirit, the strength of family, and the quiet miracles that come when we least expect them.

This is the journey of a woman who refused to be defined by her struggles.


Address

Hor Al Anz East
Dubai

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Luha ng Alitaptap posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category