17/09/2026
SEN. TULFO, INAMIN NA NAWALAN SIYA NG MILYONG FOLLOWERS DAHIL SA PAGIGING 'NEUTRAL' NIYA
Ibinahagi ni Senador Raffy Tulfo ang kanyang pagkalungkot dahil sa negatibong resulta ng kanyang pagiging 'neutral' kasama na dito ang pagkawala ng mahigit isang milyong followers niya sa social media.
Sa isang panayam ng Bilyonaryo, sinabi ni Tulfo na noon ay nasa 23 million ang kanyang followers, ngunit ngayon ay nasa 22 million na lamang sa dami ng nag-unfollow sa kanya.
Ayon sa kanya ay sa kabila ng dami ng kanyang natulungan ay mas nangibabaw parin sa ilang mga kritiko niya ang kanyang hindi pagiging DDS.
“Yung paniniwala nila, sa paniniwala ko, dahil sila ay DDS, ako neutral. Siyempre marami akong DDS na followers din. There are, eto nga ang nakakalungkot Gob e, marami akong natulungan, mismong nagsasabi sila natulungan mo at identified ko. Nang dahil lamang sa hindi ako DDS, nag-unfollow, minumura pa ako,” ani Tulfo.