01/09/2026
🎬 Panoorin at balikan ang mga nagbabagang eksena sa ating official Video Highlights!
Gatlakan Production Presents
INDIEYO 2026: SINING. SIGAW. SIGASIG. 🇵🇭🎨🎶
Sa paglipas ng panahon, ang mga sandaling ito ay magiging isang buhay na alaala, isang patunay ng isang gabi kung saan nagtagpo ang musika, sining, at ang malayang diwa ng bawat Pilipino.
Isang taos-pusong pasasalamat ang aming ipinaaabot sa bawat taong naging bahagi ng kasaysayang ito:
🙏🙏🙏
-Sa Koolbits Grill and Resto Bar, sa pagbubukas ng inyong tahanan para sa malayang sining.
-Sa HANEP HANEP Channel by Let Let at Nobodies Organization, sa inyong hindi matatawarang pakikiisa at suporta.
-Kay Pitik ni Chef, para sa paghuli at pag-imbak ng mga makasaysayang sandaling ito sa pamamagitan ng ating Video Highlights.
-Sa lahat ng nagpunta, nakisaya, at tumangkilik sa INDIEYO. Maraming, maraming salamat! Ang sayang inyong ipinaramdam at ang enerhiyang inyong inialay ay hindi matutumbasan ng kahit anuman.
Ang Koneksyon ng Nakaraan at Kasalukuyan: 1896 hanggang 2026
Noong Agosto 30, 1896, sa Tulay ng Pinaglabanan (San Juan del Monte), unang naglipana ang tapang ng Katipunan. Sa makasaysayang labanang iyon, buong-pusong tumindig ang ating mga ninuno laban sa kolonyalismo upang ipaglaban ang ating kalayaan. Hindi man sila nagwagi sa pormal na bakbakan sa araw na iyon, ang kanilang SIGAW ang nagpabaga sa apoy ng rebolusyon.
Pagkaraan ng 130 taon, noong Agosto 30, 2026, muli tayong tumindig sa mismong bisperas ng Araw ng mga Bayani at sa pagtatapos ng Buwan ng Wika. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi armas ang ating bitbit kundi ang ating MUSIKA, PINTA, TULA, at BOSES!
Ang dumanak na tapang ng Katipunan noong 1896 ay nag-anyong SIGASIG ng mga indie artist ngayon—isang pagtindig para sa Malayang Paglikha. Utang natin sa ating mga ninuno ang kalayaang tinatamasa natin ngayon, at ang pinakamagandang paraan upang sila ay parangalan ay ang huwag hayaang mamatay ang sining at kulturang kanilang ipinaglaban.
Pahayag at Nilalaman
(DISCLAIMER)
Ang kaganapang ito at ang aming adhikain ay hindi isang aktibismo o kilusang pulitikal. Ito ay isang muling paggising at selebrasyon ng ating sariling kultura at kakayahang lumikha.
Ang salitang "Indio" ay dating pinalandakan at ipinukol ng mga banyaga upang tayo ay maliitin at ikahon. Sa pamamagitan ng INDIEYO, buong-tapang natin itong binabawi at pinalalaya, isang selebrasyon upang magbigay-alaala at buhayin muli ang mga nakalimutang anyo ng malayang paglikha. Wala kaming pinapanigang pangkatin; ang aming panig ay ang Sining at Kulturang Pilipino.
Ang Patuloy na Paglalakbay
Mabuhay ang Malayang Paglikha!
Mabuhay ang mga INDIEYO!
Mabuhay ang Pilipino na kahit sa gitna ng anumang sakuna at pagsubok ay hindi nakakalimutang tumindig, magsaya, at magtipon para sa sining.
Hindi rito nagtatapos ang layunin ng Gatlakan Production. Patuloy tayong gigising at lalaban hanggang sa mapalawig pa natin ang sining na walang pinipiling estado o katayuan sa lipunan. Sa malayang sining lamang natin tunay na makakamit ang pagkakapantay-pantay, isang sining na tatagos sa puso ng bawat Pilipino upang hindi na natin kailanganing tumitig pa sa banyagang direksyon sa Hilaga, Kanluran, Silangan, o Timog.
May sarili tayong kultura. Mas malawak, mas malalim, at mas mayaman kaysa sa inaakala ng iba. Napakalawak nito—ang kailangan lang natin ay patuloy itong hukayin, at doon natin matatagpuan ang "Nagbabagang Bagay".
SINING! SIGAW! SIGASIG!
🎶 Musika sa Video Highlights:
"Ninuno" at "Acid Trip"
Isinulat at inawit ni GLennfrey Sidamon
© All Rights Reserved 2026 | Gatlakan Production