mga salitang hindi nasabi mula pedro gil hanggang anonas

  • Home
  • mga salitang hindi nasabi mula pedro gil hanggang anonas

mga salitang hindi nasabi mula pedro gil hanggang anonas mga salitang tumatakbo sa utak ko habang papunta sa'yo

hello everyone ! please let's help plum. any amount will do and thank you thank you so much!
11/11/2025

hello everyone ! please let's help plum. any amount will do and thank you thank you so much!

ang korapsyon ay kailanman hindi naging simpleng pagkakamali— ito ay garapalang paglapastangan sa dangal ng bawat Pilipi...
21/09/2025

ang korapsyon ay kailanman hindi naging simpleng pagkakamali— ito ay garapalang paglapastangan sa dangal ng bawat Pilipino. hindi sila nahihiya, hindi sila natatakot! paulit-ulit ang pangako, paulit-ulit ang daya, paulit-ulit ang pandarambong. pera para sa ospital, nawala! pondo para sa edukasyon, ninakaw! pondo para sa kalye, napunta sa bulsa!

ang korapsyon ay hindi kultura, kundi kanser na unti-unting pumapatay sa bayan. mga magnanakaw sa gobyerno— hindi kayo lingkod-bayan, kayo ay mga traydor sa sambayanang Pilipino!

ang pagkakaisa ng taumbayan ay walang kulay. hindi ito dilaw, hindi ito p**a, hindi ito berde, o kahit anong kulay. ang pag-aalsa ay hindi para pauwiin si duterte, o purihin su marcos. hindi rin ito laban ng isang rehiyon o sektor. ang pag-aalsa ay para sa lahat— para sa bawat Pilipinong ninakawan ng gobyernong dapat ay naglilingkod sa atin. para ito sa mga nasa posisyon na patuloy na lumalamon sa kaban ng bayan! ang pag-aalsa at protesta ay para panagutin ang lahat ng nasa gobyerno—mula itaas hanggang ibaba!

PAGBAYARIN NATIN SILA SA KATIWALIAN, SA KASINUNGALINGAN, SA PAGNANAKAW, AT SA PANGGAGAGO SA MGA PILIPINO AT SA SARILI NATING BAYAN!

WALANG TAKAS WALANG LIGTAS—PANAGUTIN LAHAT NG TIWALING NASA PAMAHALAAN!

Hindi tayo dapat manahimik. Krimen ang pagiging tahimik! Ang paglaban sa korapsyon ay hindi opsyon, ito ay tungkulin!

ANG NAMULAT AY HINDI NA PIPIKIT PA!
ANG NAGISING AY HINDI NA MATUTULOG PA!
HUSTISYA PARA SA BAYAN,
PANAGUTIN ANG MGA BUWAYA!




Nakakalungkot na hindi ako nakapunta sa luneta, sa edsa, at sa mendiola, pero gusto kong malaman niny na bilang mga salitang hindi nasabi mula pedro gil hanggang anonas at mga salitang hindi nakarating sa'yo mula monumento hangganb cubao, at bilang Krema/Kreme ng ewan siguro oo ay kasama ninyong tumitindig, bumuboses, at lumalaban!

12/03/2025

nakakalungkot, nakakaawa.

isa sa mga paborito kong istasyon ang araneta-center cubao. dahil madalas mo akong hintayin doon kahit gaano pa ako kata...
10/03/2025

isa sa mga paborito kong istasyon ang araneta-center cubao. dahil madalas mo akong hintayin doon kahit gaano pa ako katagal. galit ka man dahil mas malapit ako roon pero mas nauna kang dumating, marahan mo pa rin akong hahapitin sa bewang at
ibubulong ang mga salitang nagpapakalma sa 'kin.

"i love you, 'wag mo na isipin 'yon. handa akong hintayin ka kahit saan at gaano ka pa katagal."


https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/1/1e/Line_2_Araneta_Center-Cubao_Station_Platform_1.jpg

isusulat ko lahat kahit na paulit-ulit. dahil hindi ako makakalimot, dadalhin ko lahat, at isusulat ko kung gaano ka kas...
20/02/2025

isusulat ko lahat kahit na paulit-ulit.
dahil hindi ako makakalimot,
dadalhin ko lahat, at isusulat ko
kung gaano ka kasaya sa t'wing
kasama mo ako na kitang kita ko
ang kislap sa mga mata mo
habang nakangiting nakatingin sa akin.


https://medium.com//ang-nakalimutang-sulat-16a617d3c1c9

19/02/2025

balik na ba ako? dami ko nang ipon na sulat at tula para sa kaniya. baka gusto niyong mabasa

08/09/2024

IM BACK Y'ALL HAHAHAHHAA! Thank you sa poging BSIT na taga makati na inayos 'tong page ko lol. if it weren't for her, wala na to

Send a message to learn more

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when mga salitang hindi nasabi mula pedro gil hanggang anonas posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share