CLSU University Supreme Student Council

  • Home
  • CLSU University Supreme Student Council

CLSU University Supreme Student Council The official page of the highest student representation of Central Luzon State University.

ANLA IS MIGGG HUHUHU 💔🌧️If loving me means letting me starve through a 100-item exam with zero hours of sleep, then I gu...
13/07/2026

ANLA IS MIGGG HUHUHU 💔🌧️

If loving me means letting me starve through a 100-item exam with zero hours of sleep, then I guess... I wish you loved me less.🎶💔

Choz! Dahil hindi naman toxic ang USSC, hindi ka namin hahayaang mag-isa ngayong exam week. Nandito ang Kapehan sa OSA para saluhin ang naghihingalo mong brain cells!

Daan lang sa mga designated stations sa university para sa free coffee, gatas, instant cereal, tinapay, at cookies.

Alagaan ang sarili habang nakikipagbuno sa acads.
Sagot na namin ang kape, kayo na bahala sa sagot sa exam!

Take care of your well-being while chasing those dreams. Good luck, Sielesyuans!




HUMAN IS DAAAA!The First Term Examinations are just around the corner. Here are the scheduled examination dates:🗓️ July ...
12/07/2026

HUMAN IS DAAAA!

The First Term Examinations are just around the corner. Here are the scheduled examination dates:

🗓️ July 15 (Wednesday)
🗓️ July 16 (Thursday)
🗓️ July 20 (Monday)

🔗 View your individual schedule and room details here: [ https://tinyurl.com/CLSUExam1stSem2627]

Friendly reminder to start reviewing early, hydrate, and don't skip on sleep.

Sending the best of luck to every Sielesyuans. Let's ace this term!

Hindi palamuti ang estudyante sa unibersidad, tayo ang makina na nagpapatakbo rito, at tayo ang magpapasya sa direksyon ...
11/07/2026

Hindi palamuti ang estudyante sa unibersidad, tayo ang makina na nagpapatakbo rito, at tayo ang magpapasya sa direksyon nito; mismong magpupunla ng talino’t galing tungo sa mas malaya at maginhawang bukas.

Kaya naman, karangalan nating ipakilala ang bagong tatayong boses ng mga mag-aaral sa pinakamataas na antas ng pagpapasya sa unibersidad: HON. RASHELA C. BALLESTEROS, ang ating Bagong Student Regent!

Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, hamon at tungkulin nating gawing mas inklusibo, mapagpalaya, at progresibo ang unibersidad. Ang boses ng estudyante ay hindi dapat pinapatahimik—ito ay dapat pinakikinggan at pinatitampok sa bawat polisiya at desisyon.

Sama-sama nating tahakin ang landas ng progresibo’t maka-masang Rehensiya! Pagpupugay at hamon sa iyo, SR Rashela!

MULA SA MASA, PARA SA MASA.Hindi kailanman mahihiwalay ang unibersidad sa realidad ng lipunang kinabibilangan nito. Kais...
05/07/2026

MULA SA MASA, PARA SA MASA.

Hindi kailanman mahihiwalay ang unibersidad sa realidad ng lipunang kinabibilangan nito. Kaisa ang buong komunidad ng mag-aaral, naglunsad ang University Supreme Student Council (USSC) ng isang relief operation para sa mga kababayan nating tindero at tinderang labis na naapektuhan ng sunog sa Muñoz Public Market.

Ang talino, lakas, at boses ng kabataan ay laging may saysay lamang kung ito ay gagamitin sa paglilingkod.

Higit sa kagyat na ayuda, bitbit ng konseho ang mahigpit na pakikiramay at ang panawagan para sa mabilis at makataong rehabilitasyon ng kanilang mga pangkabuhayan. Ang apoy ay maaaring tumupok ng mga estante, ngunit hinding-hindi nito kayang tustusin ang nagkakaisang lakas ng pamayanan.

Kasama ninyo kami sa pagbangon at sa patuloy na pagtindig. Maraming salamat sa lahat ng nag-abot ng tulong at nakiisa!

‎HANDS OFF SANGILO FARMERS!‎‎ALERT: MGA MAGSASAKA NG SITIO SANGILO, BINANTAAN NG PANUNURO AT SAPILITANG PAGPAPALAYAS SA ...
04/07/2026

‎HANDS OFF SANGILO FARMERS!

‎ALERT: MGA MAGSASAKA NG SITIO SANGILO, BINANTAAN NG PANUNURO AT SAPILITANG PAGPAPALAYAS SA SARILING LUPA!

‎3,500-7,000 EKTARYANG PRODUKTIBONG SAKAHAN NA GUSTONG KAMKAMIN NG MTERRA SOLAR PROJECT, MALAKING PELIGRO PARA SA KABUHAYAN NG MGA MAGSASAKA NG NUEVA ECIJA AT BULACAN!

‎Nakatanggap ng harapang banta ang mga magsasaka at residente ng Sitio Sangilo, Barangay Macabaklay mula sa Gapan City, Nueva Ecija noong Hulyo 2, 2026, nang sila ay sugurin at pagbalaan ng sapiliting pagpapalayas at pagsuro sa lupang sinasaka nila sa Sitio Sangilo. Nagpakilala bilang may-ari ng lupa ang isang indibidwal na nagngangalang Rey Tan, at aniya'y sisirain na ang lahat ng pananim pagsapit ng alas siyete kahapon ng umaga (Hulyo 3, 2025, 7:00 AM) kung hindi pa lalayas ang mga magsasaka na nagbubungkal sa lupain. Kasabwat niya rito ang Chief of Police ng Gapan City na si PLTCOL Wilmar Binag, dalawa o tatlo na mobil ng pulisya, at ilang mga armadong tauhan na nakasibilyan.

‎“Dumating sila sakay ng limang sasakyan, mga alas-11 o alas-12 ng tanghali, armadong naka-sibilyan na malalaki ang katawan.” ani BMSAI Spokesperson na si Mary Jean Bote.

‎Ang insidente na ito ay hindi maitatanggi bilang taktika ng intimidasyon upang pahupain ang pakikibaka ng mga magsasaka para sa lupa at buhay. Kung maaalala, inilunsad na nitong Lunes, Hunyo 29, 2026, ang unang kombensyon para sa pagtatag ng Movement Against Destructive Solar Farms (MADSOLAR), isang alyansa ng mga asosasyon ng magsasaka at progresibong organisasyon, na nagnanais labanan at patambulin ang isyu hinggil sa mapanirang MTerra Solar Project. Lalong maraming mga mamamayan ang namumulat at nakikibaka kasama ang mga magsasaka ng Nueva Ecija laban sa mga mapaminsalang solar farms.

‎Simula 2024 ay hinahatulan na ang mga magsasaka ng Sitio Sangilo ng gawa-gawang kaso, at patuloy ang pagbabanta sa kanilang buhay at kapakanan. Sinusunog ang mga pananim, binabansagang kriminal at ninanakawan ng kabuhayan ng mga ganid na burukrata kapitalista, malalaking negosyante at landlords ang mga magsasaka upang mapawi ang kanilang paglaban.

‎Sa kasalukuyan, nananatili pa ring nakaamba ang posibleng pagsuro ng lupain sa Sitio Sangilo. Kung hahayaan ang pangangamkam dito, lalong madadagdagan ang mahigit 30 ektaryang lupang sakahan na nasalakay na upang pagtayuan ng mga solar farm. Sa ngalan ng hungkag na renewable energy farms, pinapalitan ang paggamit sa libo-libong ektaryang lupain mula sa Nueva Ecija at Bulacan. Imbes na ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka, pinapalayas at niyuyurakan ang kabuhayan ng mga magsasaka upang gawing panirikan ng mga solar panels ang mga lupain, na lalo pang nagbubunga ng mas malalang kawalan ng sariling lupa.

‎Mula sa MTerra Solar Project na lunsad ng Meralco at General Atlantic, 3,500-7,000 ektaryang lupain ang pinaplanong pagtatayuan ng solar farms, ngunit 60% lamang nito ang mapupunta sa mga Pilipino habang 40% ay pakikinabangan lang rin ng mga dayuhang kontraktor at investor. Malinis at sustenableng enerhiya ang pangako nito para sa milyun-milyong kabahayan, subalit hindi kasali ang mga pamilyang palalayasin sa bilang na ito. Gayundin, lupa at mga magsasaka natin ang maaapektuhan, ngunit malaking pursiyento ng enerhiya na aanihin ay sa pudar ng dayuhan lang rin mapapadpad.

‎Sa kabuuan, ang proyekto na ito ay magsisilbi lamang para sa pagpapalaki ng tubo ng mga lokal na malalaking negosyante, hindi rin sa masang Pilipino mapupunta ang lahat ng enerhiya na aanihin, at lahat ng ito ay aprubado ng traydor na estado. Bilang kapalit, ang mga magsasaka na tumututol sa imperyalista at kapitalistang interes ay pilit na pinapatahimik ng mga pulis at militar.

‎Malinaw na walang 'sustenable' sa MTerra Solar Project na magpapalayas sa libu-libong magsasaka mula sa sarili nilang lupa bilang kapalit ng enerhiya. Hindi malinis ang serbisyo na mayroong bahid ng dugo, at ang pag-unlad ay hindi dapat nakatanim sa ibabaw ng puntod ng mga magsasakang Pilipino!

‎Sa harap ng matinding pasismo, lalo lamang mabibigyang-sigla ang mga magsasaka upang kumilos at ipaglaban ang kanilang karapatan sa buhay at lupa. Nararapat lamang din na makihanay ang kabataan-estudyante sa mga magsasakang Novo Ecijano upang bitbitin ang kanilang mga panawagan, at makiisa sa kanilang laban. Lahat ay hinihikayat upang maging mapanuri at nakatutok sa sitwasyong kinakaharap ng Sitio Sangilo, kabilang na ng buong Nueva Ecija at Bulacan, sa kasagsagan ng pananalasa ng malagim na solar farms.

‎DEFEND SITIO SANGILO FARMERS AGAINST DESTRUCTIVE SOLAR FARMS!
‎ITIGIL ANG PANUNURO AT PANGANGAMKAM SA LUPA NG MGA MAGSASAKA!

‎Larawan mula sa Movement Against Destructive Solar Farms (MADSOLAR)






NANGYAYARI NGAYON | Kasalukuyang isinasagawa ng University Supreme Student Council (USSC) ang kauna‑unahang pagpupulong ...
02/07/2026

NANGYAYARI NGAYON | Kasalukuyang isinasagawa ng University Supreme Student Council (USSC) ang kauna‑unahang pagpupulong at konsultasyon kasama ang mga kinatawan ng College Student Council mula sa siyam na kolehiyo ng unibersidad ngayong ika‑2 ng Hulyo 2026.

Nagsisilbi itong mahalagang hakbang upang pormal na simulan ang operasyon at pagtutulungan ng mga konseho ng mag‑aaral para sa Akademikong Taon 2026–2027, at upang mapag‑usapan nang lubusan ang mga mahahalagang bagay na kailangang pagtuunan ng pansin at isakatuparan sa mga darating na linggo at buwan.

Sa pagtitipong ito, tinatalakay ng mga konseho ang kasalukuyang kalagayan at mga ulat mula sa bawat kolehiyo kabilang ang mga kaugnay sa pangangailangan ng bawat konseho, iba’t ibang proyekto at serbisyong inihahanda ng konseho at unibersidad, at mga mahahalagang isyung kinakaharap ng mga mag-aaral.

Bilang pinakamataas na kinatawan ng mga mag‑aaral, nananatiling nakatuon ang USSC kasama ang mga konseho ng bawat kolehiyo sa pagpapalakas ng boses ng bawat estudyante, at pagtataguyod ng mahusay at makabuluhang paglilingkod na laging nakasentro sa kapakanan ng bawat Sielesyuan.

UPDATE | Institutional Scholarship DisbursementFollowing the concerns raised regarding the financial and logistical chal...
01/07/2026

UPDATE | Institutional Scholarship Disbursement

Following the concerns raised regarding the financial and logistical challenges faced by student scholars in opening a regular LANDBANK account, the University Supreme Student Council (USSC) held a dialogue with the University Cashier's Office this afternoon, July 1, 2026.

According to the CLSU Cashier's Office, cash disbursement of institutional scholarship stipends has been discontinued since February 2026. Scholarship stipends are currently processed through LANDBANK accounts pursuant to the existing arrangement between the Office of Admissions (OAD) and LANDBANK.

In light of the concerns brought forward by student scholars and relayed by the USSC, we are pleased to share that LANDBANK PISO Accounts are now officially accepted for institutional scholarship disbursement. This development provides a more accessible and affordable option for scholars, significantly reducing the financial burden of opening a regular savings account while meeting the current requirements for stipend release.

Students are advised to wait for the official guidelines from the Office of Admissions (OAD) before submitting their account details or proceeding to the Cashier's Office.

The USSC remains committed to raising student concerns and coordinating with the concerned offices to pursue more accessible, student-centered, and responsive processes.

PABATID: Huling araw bago ang Deadline ng USSC Committee ApplicationsIsang paalala sa mga Iskolar ng Bayan: Isang (1) ar...
29/06/2026

PABATID: Huling araw bago ang Deadline ng USSC Committee Applications

Isang paalala sa mga Iskolar ng Bayan: Isang (1) araw na lamang ang natitira bago opisyal na magtapos ang pagtanggap ng aplikasyon para sa mga Komite ng University Student Supreme Council (USSC) para sa Taong Panuruan 2026–2027.

Kung ikaw ay may dedikasyon, kakayahan, at kahandaang maglingkod para sa kagalingan ng sangkaestudyantehan, bukas ang aming opisina para sa iyo.

Gabay sa Pagsusumite:
Ihanda ang Curriculum Vitae (CV): Maaaring gamitin ang sariling format o i-download ang opisyal na template dito: https://bit.ly/4esc1JZ

Sagutan ang Application Form: Magrehistro sa opisyal na link: https://bit.ly/ussc_committee_application

Huling araw ng aplikasyon: June 30, 2026

Mga Pangunahing Kwalipikasyon:
• Bukas sa lahat ng bona fide students (kasama ang mga first-year students).
• Walang kasalukuyang major position sa ibang student council, opisyal na organisasyon, o student publication.
• May malalim na paninindigan sa tapat, mapagpalaya, at makamasang paglilingkod.

Ang hamon ng pamumuno ay hamon ng kolektibong pagkilos.

Tatlong araw na lamang ang natitira. Huwag palampasin ang pagkakataong maging bahagi ng pagbabago. Lumahok na!

TINGNAN: PAGKAKAISA NG MASA LABAN SA MAPANIRANG SOLAR FARMS!Narito ang mga kaganapan mula sa katatapos lamang na First C...
29/06/2026

TINGNAN: PAGKAKAISA NG MASA LABAN SA MAPANIRANG SOLAR FARMS!

Narito ang mga kaganapan mula sa katatapos lamang na First Convention ng MAD SOLAR (Movement Against Destructive Solar Farms) na ginanap nitong Hunyo 29 sa DABE Hall, CLSU.

Hindi hiwalay ang isyu ng kalikasan at kabuhayan sa ating laban bilang mga mag-aaral. Sa naganap na kumbensyon, nagkapit-bisig ang iba't ibang sektor—mula sa ating mga lokal na magsasaka hanggang sa kabataan at estudyante—upang talakayin at irehistro ang mariing pagtutol sa mapanirang solar farms ng Meralco at Mterra na nagbabantang umagaw sa mga lupang sakahan at sumira sa ating lokal na ekolohiya.

Ang huwad na "green energy" ay hindi dapat itayo sa itaas ng kagutuman ng mamamayan at pagkawasak ng kalikasan! Bilang mga Iskolar ng Bayan, hamon sa atin na bitbitin ang boses ng masang pinaglilingkuran.

Magkaisa, lumaban, at sumama sa susunod na mga pagkilos ng MAD SOLAR!



‎Ano ang MTerra Solar Project at bakit binansagang “destructive” ang pagtatayo ng dambuhalang solar farm?‎‎Ang MTerra So...
29/06/2026

‎Ano ang MTerra Solar Project at bakit binansagang “destructive” ang pagtatayo ng dambuhalang solar farm?

‎Ang MTerra Solar Project ay isang malawakang pasilidad ng enerhiyang solar ng Meralco PowerGen at ng dayuhang kumpanyang General Atlantic, na pinahintulutang itayo sa 3,500 hanggang 7,000 ektarya ng lupang agrikultural sa mga bayan ng Gapan, Peñaranda, San Leonardo at Heneral Tinio sa Nueva Ecija, at San Miguel sa Bulacan. Binansagan itong mapaminsala dahil sa masasamang epekto nito sa karapatan at kabuhayan ng mga magsasaka, seguridad sa pagkain, kalikasan at karapatang pantao.

‎Bagama’t madalas ituring na usapin lamang ito ng mga direktang apektado, nararapat lamang na bigyang‑diin na ang kabataan ay may mahalaga at kailangang papel dito, sapagkat sila ang pangunahing tagapagmana ng kalagayan ng bansa—maging ito man ay kaunlaran o pinsalang mananatili nang matagal na panahon, higit pa sa mismong panahon ng pagpapatakbo ng proyekto.

‎Makilahok sa pagkilos!

‎MOVEMENT AGAINST DESTRUCTIVE SOLAR FARMS PRE-LAUNCHING
‎📅 June 29, 2026 | Monday
‎⏰ 1:00PM hanggang 5:00PM
‎📍 Department of Agricultural and Biosystems Engineering (DABE) Hall, Central Luzon State University (CLSU)

‎Tutulan ang Land Use Conversion! ✊☀
‎Lupa para sa Pagkain!







Address

Student Union Bldg, Elon - Elon St, Science City Of Muñoz, 3120 Nueva Ecija

Opening Hours

Monday 08:00 - 17:00
Tuesday 08:00 - 17:00
Wednesday 08:00 - 17:00
Thursday 08:00 - 17:00
Friday 08:00 - 17:00

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when CLSU University Supreme Student Council posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to CLSU University Supreme Student Council:

Shortcuts

  • Want your establishment to be the top-listed Arts & Entertainment?

Share