Mga Kathang tula ni Richel Castroverde

Mga Kathang tula ni Richel Castroverde halika at basahin ang aking mga kathang tulang kapupulutan ng aral at inspirasyon🙏

27/09/2025

"Kawalan ng Integridad at Katapatan"
(kurapsyon)

Inakalang lahat ay para sa bayan,
Sinuportahan ng mga mamamayan,
Pinaniwalang bibigyang kamalayan,
Kabilang sa lipunang nasa laylayan.

Buwan-buwang buwis saming kinakaltas,
Para daw sa proyektong makalulutas,
Init at ulan kami'y lumalaban ng patas,
Bulsa man namin ay magkabutas butas.

Sa dami ng dumating na kalamidad,
Ang sumambulat sa aming buong syudad,
Nasaan sila na sabing may dignidad?
Pagnanasa sa kaban kanilang prayoridad.

Paano ang mga susunod na henerasyon?
Kung iiwan talamak na kurapsyon!,
Ano ba ang dapat maging tamang aksyon?,
Sa maling pag gamit sa kaban ng nasyon.

30/06/2022

Hope u like it🥰🙏

12/01/2022

"2taon mula ng pumutok ang Bulkan taal."

26/12/2021

Para sayo aming Pangulo sanay magustuhan mo ang aking tula.
"PANGULONG RODRIGO DUTERTE"

24/11/2021

Sana po magustuhan niyo🥰🥰🥰

11/11/2021

Sana po magustuhan niyo..thank you🙂🙂

"Tula sa Panalangin"   Di man lahat mahilig sa tulaIto ang aking panimulaNa ang minsang babalaDi masamang maniwala.Iba-i...
20/10/2021

"Tula sa Panalangin"

Di man lahat mahilig sa tula
Ito ang aking panimula
Na ang minsang babala
Di masamang maniwala.

Iba-iba man ang pantig
Sa tulang wala ang aking tinig
Mensaheng tanging puso ang makadidinig
Sapagkat ito'y puno ng pag ibig.

Taon na ang lumipas
Hanggang ngayon di alam paano iiwas
Mga pakpak na unti-unting nalalagas
Ipinauubaya namin "IkAW" na nasa itaas.

Mundo ngayon balot ng takot
Mga taong di alam saan iikot
Pagkaeng animo'y sa sapot nakabalot
Para sa sikmurang sa sakit namumulupot.

Pinipilit namin maging malakas
Para sa pamilyang nais pang makasama bukas
Pakiusap sa amin "IYONG" iparanas
"IKAW"na tanging may hawak ng sagradong batas.

Maaring ito ang "IYONG"parusa
Kunin ang buhay naming paisa-isa
Desisyon mong tinatanggap namin ng kusa
Araw-araw man sa amin ay may nagluluksa.

Pagkawala ni nanay
Kasunod ng paglisan ni tatay
Mga matang di ramdam ang ngalay
"IKAW" na bumawi sa kanilang mga buhay.

"IKAW" na aming taga hatol
Sa mga kasalanang agad mong pinupukol
Pagpalong lahat kami'y humahagulol
"SAYO" ay di kami tumututol.

Mga kaibigang maagang nagpaalam
Noon na kahati pa namin sa ulam
Mga matang bakit tila kay lamlam
Pagbawi sa amin na wala kaming alam.

Kamag anak at mga kapitbahay
Na kasama sa araw araw na pamumuhay
Ngayong ang iba'y nasa hukay
Ala-ala na minsan sila sa ami'y umalalay.

Buhay na sa amin iyong pinahiram
Pagbawing maaaring minsan ay di ramdam
Maikli man o mahaba iyong inilaan
Tanggap namin at bukal sa kalooban.

Hilumin ang mundong sa sakit itinago
Pangyayaring sa buhay malaki ang nabago
"IKAW" na tanging bubukas sa malaking kandado
Upang muling lumiwanag ang mundong pundido.

"Saloobin ng mga OFW"Pakiusap sa mga pamilyang naiwanNang mga OFW'ng hanggang ngayon lumalabanNais naming inyong malaman...
14/06/2021

"Saloobin ng mga OFW"

Pakiusap sa mga pamilyang naiwan
Nang mga OFW'ng hanggang ngayon lumalaban
Nais naming inyong malaman
Na di lamang aming katawan,pagod din aming kaisipan.

Sa lungkot pilit kaming kumakawala
Subalit puso namin tila nakatanikala
Na kahit araw gabi kaming tumingala
Umaasang pamilya maalala kaming bigla.

Pag miyembro ng pamilya ang may karamdaman
Kami ang lubos na naaapektuhan
Na kahit buhay namin walang kasiguraduhan
Mas inuuna pa rin namin inyong kaligtasan.

Hanggang sa kasalukuyan
Puso at isip ang patibayan
Depresyon na pag di nakayanan
Hatid ay maaaring kamatayan.

Nais naming inyong marinig
Kami na ang iba'y nakahiga sa sahig
Pamilya namin pagmamahal sa amin idilig
Upang sa lungkot di kami padaig.

Unti-unti na kaming nababawasan
Iyan ang nais naming inyong malaman
Natatakot na isang araw muling malagasan
Pakiusap kumustahin aming kalagayan.

Marami man kami dto
Iba-iba o pare-pareho man aming kwento
Sa oras na mag isa sa aming kwarto
Problemang binabato,dulot sa amin labis na pagkalito.

Tapang ay taglay namin
Subalit lungkot ay di namin maamin
Isang bagay at 'yun ay ang salamin
Ang nakaaalam ng totoo naming saloobin.

Mahirap ang aming katayuan
Swerte na lamang sa may kaibigang sanay sa kalokohan
Sila na minsan aming pinaghuhugutan
Ay may lungkot din na pinagdaraanan.

Iniiwasan namin ang galit
Na maaaring umubos sa aming bait
At ang ilagay kami sa sitwasyong mapait
Sa kasalanang ayaw ng langit.

Huwag kaming bigyan ng sama ng loob
Dahil habang sa trabaho kami nkasubsob
Ang posibilidad na kami tumaob
At ang umuwing puting tela ang sa amin nakataklob.

Ang makita kayong sama samang kumakain
Kapalit ng isang araw na di halos kami makakain
Sa dami ng gawaing sa amin nakahain
Lahat ay kaya naming tiisin.

Pag kayo ay masaya
Kami ay malakas
Subalit pag kami ang masaya
Nakakubli mga problemang kaangkas.

Ang tangi naming kahilingan
Bigyan kami ng konting kaligayahan
Mga mensaheng nagkukumustahan
At mga pangarap na pilit isasakatuparan.

Wala akong masamang layunin
Sa tulang pinilit kong tapusin
Pamilya namin kami inyong pansinin
At ang sa "PANGINOON" ipanalanging araw araw kaming gisingin.

Kung pamilya mo aking tinutukoy
Hindi para sa inyo ay mambaoy
Mga luha na iniiwasang maagang dumaloy
Sa araw na puno ng abuloy.

"Kababayan"Magkakaiba ng probinsyaNgunit iisa ang naging pasyaAng iwan ang isang bansa sa AsyaUpang punan pangangailanga...
17/04/2021

"Kababayan"

Magkakaiba ng probinsya
Ngunit iisa ang naging pasya
Ang iwan ang isang bansa sa Asya
Upang punan pangangailangang di mag kasya.

Iba't ibang pangarap
Dala dala habang kami'y nasa ulap
Batid man namin na oras magiging mailap
Sa tanging kamera ng telepono,kami'y inyung makakaharap.

Ano ang buhay na naghihintay?
Kanino nga ba nakasalalay?
Tayo na sa pamilya'y nawalay
Hangad na makabalik habang kamay kumakaway.

"Kababayan" sa isa't isa'y aming tawagan
Sila din ang lakas naming pinagkukunan
Sila na pangunahing sumbungan
Sila na unang una kang dadamayan.

Sa bawat kababayang nagtatagumpay
Tanging paghanga ang sa isa't isa iniaalay
Ngunit sa kababayang binawian ng buhay
Mga puso namin tila hinuhukay.

Sari saring suhestiyon
Sa problemang nais ng solusyon
Kaming kababayan ang unang umaaksyon
Upang maibsan ang hirap at lungkot na sayo lumalamon.

Mapagkunwaring katauhan
Iyan ang taglay ng ating mga kababayan
Kalungkutan sa likod ng malakas na tawanan
Na tanging isa't isa ang nakakaalam ng tunay na pinanggagalingan.

Lagi natin tandaan na ang buhay puno ng pagsusulit
Panginoon na kahit minsan huwag isiping sa atin nagalit
Tayo man sa Kanya'y may hinanakit
Hindi dahilan upang buhay natin ang ipalit.

Mga simpleng tanong
Habang sa kababayan ibinubulong
Hindi pa man natatapos ang isang saknong
Ramdam nating kailangan ng tulong.

Sa tagal ng iyong pagkakawalay
Pamilya mong sayo naghihintay
Sa yakap at halik na muli mong maibibigay
At mga pangakong magsasama habang nabubuhay.

Umalis man tayong bakas sa kanilang mukha ang lungkot
Babalik tayo hanggang kanilang mga kamay muli nating maabot.

Sa dami nang mga kababayan
Huwag mag atubiling ibahagi inyong kalagayan
Sapagkat walang ibang magtutulungan
Tayo na iisa ang bansang pinagmulan.

"KAIBIGAN"Iba't ibang uri ng kaibiganDi kayang bigyang kahuluganSapagkat ang inyong turinganDepende sa inyong samahan.Mg...
10/04/2021

"KAIBIGAN"
Iba't ibang uri ng kaibigan
Di kayang bigyang kahulugan
Sapagkat ang inyong turingan
Depende sa inyong samahan.

Mga taong di inaasahang darating
Di man natin hiniling
Mga taong ngayon ay ating kapiling
Kaibigan na pa lang maituturing.

Taglay ko ang maraming kaibigan
Ngunit di kailangan bawat isa'y ilarawan
Sapagkat nakatatak sa aking isipan
Kailanman di sila kalilimutan.

Susubukan kong hanapin at isipin
Uri ng kaibigan hirap akong isa-isahin
Ngunit para sa inyo ay aking pipilitin.

Ugali mo man ay aking banggitin
Ika'y di upang aking galitin
Bagkus ay aking gagawin
Upang ugali mo'y iyong baguhin.

Kaibigang maaasahan
Sa oras ng pangangailangan
Kaibigang luha mo'y handang punasan
Siya ang dapat mong ingatan.

Kaibigan mong sayo'y walang napala
Sapagkat ika'y walang wala
Ngayon bigla siyang nawala
At naglahong parang bula.

Sa dami ng iyong kaibigan
Batid mo ba kung sila'y nasaan?
Wala man ang iba sa iyong harapan
Siguradong may ilan na nakaalalay sa'yong likuran.

Ang tangi ko lang maiiwan
Bilang isang matalik mong kaibigan
Maikli man o mahaba ating pinagsamahan
Balikan mo kung kailan,saan at kung paano nagsimula ating pagkakaibigan.

Address

Singapore

Telephone

+6584310346

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mga Kathang tula ni Richel Castroverde posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Mga Kathang tula ni Richel Castroverde:

Share

Category