JA Library

JA Library Please share our informative and π–ˆπ–—π–Šπ–†π–™π–Žπ–›π–Š π–œπ–”π–—π–π–˜. Message me for details about the available books.

🩷
14/04/2026

🩷

True Story 🫦HINDI KO ALAM KUNG SUWERTE AKO O MALAS DAHIL SA MGA NATUKLASAN KO.Isa ako sa mga taong hinangad na magkaroon...
08/04/2026

True Story 🫦

HINDI KO ALAM KUNG SUWERTE AKO O MALAS DAHIL SA MGA NATUKLASAN KO.

Isa ako sa mga taong hinangad na magkaroon ng sariling masayang pamilya, at siyempre, magkaroon ng isang mapagmahal na asawa. Kaya nang makita ko kay Darwin (hindi niya tunay na pangalan) ang mga katangiang hinahanap ko sa isang lalaki ay hindi ako nag-atubiling pumayag na sumama sa kaniya sa bawat pagyayaya niya ng pamamasyal.

Hindi ko siya inangkin na nobyo dahil wala naman kaming usapan na magnobyo na kami. Ang alam ko lang noon ay masaya siyang kasama. Isa siyang mabait na lalaki, sweet, maalalahanin, palabiro, at galante. Higit sa lahat, matalino siya at gusto ko ang pagkakaroon niya ng mga pangarap sa buhay. Ang nagustuhan naman sa kaniya ng pamilya ko ay magiliw siyang humarap sa amin. Nagpakita rin siya ng pagiging aktibo sa relihiyon namin kaya naging kaibigan siya ng lahat.

Isang araw ay bigla na lang niya akong hinalikan. Iyon na ang simula ng malalim naming relasyon. At dahil naibigay ko na sa kaniya ang pagkababae ko, hindi ako tumigil ng kaiiyak hangga't hindi siya humarap sa magulang ko. Sa wakas ay naitakda na ang kasal namin.

Pero hindi natuloy ang kasal dahil nalaman namin na kasal na pala siya sa iba. At nalaman din namin na peke lang ang mga ipinakita niya sa amin, lalo na ang naging paniniwala namin na totoong miyembro siya ng aming relihiyon. Isa pala siyang huwad. At ang masaklap ay hindi lang pala ako ang niloko niya.

Ang sabi ng iba ay masuwerte pa rin ako dahil hindi ako nagkaroon ng asawang katulad niya. Mahirap daw matali sa isang taong ganoon ang ugali at mindset. Isang manloloko. Isang sinungaling. Pero buntis na ako nang malaman ko ang lahat nang iyon.

Tinanggap ko ang lahat ng paninising ipinukol sa akin ng mga kamag-anak ko. Totoo naman na hindi ako nag-ingat. Agad akong naniwala at naging marupok sa isang taong sobrang sinungaling. Ni hindi ko siya kinakitaan ng pagkakonsensiya sa ginawa niya sa akin. Iyak nang iyak ang mga magulang ko. Hindi raw biro ang buhay ng isang dalagang-ina. At totoo nga ang lahat nang sinabi nila.

TRUE STORY πŸ₯€TUNAY AKONG MAGMAHAL KAYA HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NANGYARI ANG LAHAT NANG ITO SA AKIN.May ilang naging noby...
08/04/2026

TRUE STORY πŸ₯€

TUNAY AKONG MAGMAHAL KAYA HINDI KO ALAM KUNG BAKIT NANGYARI ANG LAHAT NANG ITO SA AKIN.

May ilang naging nobyo ako bago ko nakilala si Sandro (di niya tunay na pangalan). Pero hindi ako pumayag sa mga hiling nila na sobra pa sa halik sa labi. Hanggang doon lang talaga. At mild lang. Hindi ako cold na babae. Pinangalagaan ko lang ang virginity ko.

Ikinasal kami ni Sandro. Ang sabi niya ay siya na ang bahala sa akin tutal may maayos naman siyang trabaho. Isa kasi siyang sikat na radio personality sa siyudad nila kung saan ako nag-aral ng college. Masaya ang naging pagsasama namin at nagkaroon kami ng isang anak. Ibinigay ko ang lahat ng kaya kong gawin para sa asawa ko, lahat ng pag-aalaga at lambing na alam ko.

Pero hindi ko napigilang hindi magselos sa dami ng naging fans niyang babae na parang sobrang "game". Ang lagi niyang sinasabi sa akin ay imagination ko lang ang lahat nang ipinagseselos ko. Pero natuklasan ko na lang isang araw na may kabit na siya. Sa sobrang sama ng loob ko ay umuwi ako sa amin at doon ko ibinuhos ang pag-iyak ko. Sinundo ako ni Sandro, pero nakulangan ako sa sincerity niya kaya 'di ako sumama. Bilang babae, gusto ko namang maramdaman ang halaga ko sa asawa ko. Gusto ko naman ang katiyakan na ako lang talaga at iiwas na siya sa ibang babae gaano man sila kabata at kaganda, at kalandi. Pero hindi na niya ako binalikan. Nalaman ko na lang na nagsama na talaga sila ng kabit niya, at kinunsinti naman siya ng pamilya niya. Hindi na ako nagkaroon ng lakas at dahilan na bumalik sa kaniya dahil pinili na niya ang kabit niya. Hindi man lang niya isinaalang-alang ang kalagayan ng anak namin na sakitin pa noon.

Alam niyang wala pa akong maayos na trabaho pero kuripot siya sa pagpapadala ng sustento para sa anak namin. Naging priority niya ang pangalawa niyang pamilya.

Bilang babae ay ginusto ko ring maranasan na may tunay na magmahal sa akin. Pero alam kong hindi na ako puwedeng ikasal sa iba dahil kasal ako kay Sandro. Umiwas ako sa tukso. Pero naging marupok ako kay Vic, ang dati kong manliligaw. First love daw niya ako noon. At nang nagkita kami uli ay muli niyang naramdaman ang pagmamahal niya sa akin. Nagbunga ang lihim naming relasyon. Lumaki ang dahilan na hindi ko maibigay sa anak ko ang kagustuhan niyang magsama uli kami ng kaniyang ama. Dahil hindi kami puwedeng makasal, iniwan ako ni Vic. Pamilya ko lagi ang karamay ko sa bawat masaklap kong karanasan.

Malalaki na ang mga anak ko. Nagtatrabaho sila sa malayo. Mag-isa kong binubuno ang bawat araw ng buhay ko. Marami pa ring nanliligaw sa akin, pero nakatali pa rin ako kay Sandro.

Sana pala kinilala ko muna siyang mabuti. Hindi ko pa pala siya totoong kilala. Sana pala nakinig ako sa magulang ko na piliin ko ang isang lalaking may banal na takot sa Diyos.

May edad na ako ngayon at mag-isa. Pagod na pagod na ako sa pag-iisa.

31/03/2026

Kung hindi ka man niya pinili, piliin mo ang sarili mo.

Address

Zamboanga City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when JA Library posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share