04/03/2023
The sweetest thing for me today...
Sinundo ng parents ko si Tricia para isama mag-mall.
Di ako nakasama dahil bukod sa natambakan ako ng gawaing bahay eh masama din talaga pakiramdam ko. Pero gusto namin na mag-enjoy xa lalo at deserve na deserve niya yun after niya maging "With High Honors" ❤️
Dinala niya yung wallet niya, and yes po may ipon kasi yan xa. Di pa niya halos nagagalaw ung mga ipinamasko sa kanya ng mga ninong ninang at mga tito tita niya. Sabi ko kasi since hindi ako makakasama dalhin niya ung pera niya para pag may gusto siya mabibili niya. Ayaw pa nga niya nung una, pero sabi ko
"Kaya nga nagtatrabaho ang mga tao para may pera, at kaya kailangan ng mga tao ng pera para may gagastusin. May pera ka bilhin mu mamaya yung mga gusto mo".
Nung naihatid na sya sa bahay pauwi akala ko tinapay lang na pinabili ko kina nanay ang nasa plastic. Yun pala surprise.. ❤️❤️❤️❤️
Namili sya ng mga chocolates bilang pasalubong daw sakin at sa daddy niya.. nilibre niya din ako ng burger na paborito ko 😭 .. at pinaka na-touch ako eh nung sabihin ng nanay ko..
"Puro ikaw kaya iniisip niya kanina..sabi ko isang kisses lng kasi mahal hati nlng kayo,tapos ayaw niya gusto niya isang pack din sayo..may gusto pa nga siya bilhin para sayo kanina,sabi ko tama na un at mahal"
🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹🥹
Ngayon lang kasi ung pagkakataon na sya lang ang sumama kina nanay ko, usually lagi kaming magkasama na sumasama sa pasyal ng parents ko pag wala ang daddy namin...
THE SWEETEST AND MOST TOUCHING THING A MOTHER COULD FEEL... ❤️❤️❤️