19/08/2026
Amang makapangyarihan, mapagkumbaba po kaming lumalapit sa inyo sa oras ng aming pangamba. Hinihiling po namin na pahupain ninyo ang malakas na habagat, patigilin ang walang tigil na ulan, at unti-unting pababain ang mga baha sa aming lugar.
Sa pamamagitan ng aming minamahal na patron, Nuestra Seรฑora de La Paz y Buen Viaje, gabayan at ilayo ninyo sa kapahamakan ang bawat pamilya. Bigyan ninyo kami ng lakas, pag-asa, at kapanatagan habang dumaraan kami sa pagsubok na ito.
Panginoon, nawaโy maging ligtas ang bawat isa at muling bumalik ang payapa at maaliwalas na panahon.
Nuestra Seรฑora de La Paz y Buen Viaje, ipanalangin mo kami. Amen.