28/05/2026
😬
Aandap Andap
Sa tagal ng panahon,
Sa dinami-rami ng hamon,
Ang dating maliwanag
Ngayon ay aandap-andap
Parang ako, parang Ikaw;
Hinamon ng buhay.
Napagod, nanlumo,
Natakot, nabigo!
Kung ang araw nga'y kumukulimlim din,
Maging buwan at bituin,
Maano pa tayong mga taong likha,
Na sa kanila'y nakatingala?
Papaano na ang bukas?
May liwanag pa bang mababakas?
Papaano na ang mga umaasa?
Wala na ba silang makikita?
Hangga't may munti pang liwanag,
Patuloy lang sa paglakad.
Muli nating paningasin,
Pag-asa sa ating mga damdamin!
Lumapit at bumalik tayo sa pinagmulan,
Sa ating bukod-tanging ILAW;
Ningas Nyang taglay,
Kailanma'y hindi namamatay!
By: mtp
John 8:12 (NIV)
“When Jesus spoke again to the people, he said, ‘I am the light of the world. Whoever follows me will never walk in darkness, but will have the light of life."