Tinta ng Manunulat

Tinta ng Manunulat Isang tahanan ng mga salita. Sa bawat tinta, may damdamin. Sa bawat sulat, may kwento. Welcome to Tinta ng Manunulat — where words find their voice.

Ang Senado'y tila naging sirko,hindi tahanan ng batas kundi entablado ng gulo.May nagtatago kapag pananagutan ang usapan...
06/06/2026

Ang Senado'y tila naging sirko,
hindi tahanan ng batas kundi entablado ng gulo.

May nagtatago kapag pananagutan ang usapan,
may nagsasalita ng batas ngunit di maunawaan ang kahulugan.

May nagsasabing bayaran ang naghahatid ng balita,
kapag katotohanan ang tumatama sa kanilang mukha.

May abala sa kamera at live sa Facebook,
habang ang problema ng bayan ay patuloy na lumulubog.

At may mga matang bukas ngunit tila bulag sa katotohanan,
na para bang iisang pangalan lamang ang pinaglilingkuran.

Senado para sa Pilipino ang dapat na layunin,
hindi palakpakan, pagtatanggol, o pansariling hangarin.

~
Editorial Cartoon mula sa Malaya Business Insight

Basahin n’yo.Pilipinas—may yaman pero bakit gutom ang bayan?Habang sila’y umaangat, kami’y naiwan sa dahan-dahang pagod ...
06/06/2026

Basahin n’yo.

Pilipinas—may yaman pero bakit gutom ang bayan?
Habang sila’y umaangat, kami’y naiwan sa dahan-dahang pagod at luha.

Pangako sa hangin, proyekto sa kamera,
pero sa likod nito, kaban ng bayan ang nawawala.

Galit ang boses ng lansangan,
sa gobyernong inuuna ang sarili kaysa sambayanan.

Hindi kami tahimik—
pagod lang sa paulit-ulit na panlilinlang.

~
Larawan mula sa theguidon https://www.instagram.com/theguidon?igsh=cjJ1M2h1cTcyczFo

Walang tunog, pero may kirot. Walang sugat, pero may hapdi. Ganito pala ang kalungkutan—Tahimik, pero bumabasag sa loob....
29/11/2025

Walang tunog, pero may kirot.
Walang sugat, pero may hapdi.
Ganito pala ang kalungkutan—
Tahimik, pero bumabasag sa loob.

May mga paalam na walang salita, May mga sulyap na pamamaalam na pala. At my mga puso na kahit sabik, Hindi na kailanman...
26/11/2025

May mga paalam na walang salita,
May mga sulyap na pamamaalam na pala.
At my mga puso na kahit sabik,
Hindi na kailanman babalik.

Nabasag ang salamin ng tiwala, At doon ko nakita ang mukha ng luha. Hindi pala ikaw ang mali, Ako lang ang umasa ng sobr...
24/11/2025

Nabasag ang salamin ng tiwala,
At doon ko nakita ang mukha ng luha.
Hindi pala ikaw ang mali,
Ako lang ang umasa ng sobra.

Kinakausap ko ang buwan gabi-gabi. Baka sakaling marinig mo rin ako muli. Tahimik niyang sagot, tila sabi: “Wag mo nang ...
22/11/2025

Kinakausap ko ang buwan gabi-gabi.
Baka sakaling marinig mo rin ako muli.
Tahimik niyang sagot, tila sabi:
“Wag mo nang hanapon, lumipas na siya, giliw.”

Sabi nila, oras daw ang lunas, Ngunit taon na, sugat pa rin ang bakas. Bawat ngiti ay pilit na maskara. Sa likod nito’y ...
20/11/2025

Sabi nila, oras daw ang lunas,
Ngunit taon na, sugat pa rin ang bakas.
Bawat ngiti ay pilit na maskara.
Sa likod nito’y pusong pagod na.

Tahimik ang gabi, pero sigaw ang dibdib. Walang bituin, pati buwan ay tahimik. Hinahanap ka ng pusong pagod. Pero ang sa...
18/11/2025

Tahimik ang gabi, pero sigaw ang dibdib.
Walang bituin, pati buwan ay tahimik.
Hinahanap ka ng pusong pagod.
Pero ang sagot mo’y lamig ng hangin.

Sumulat ako ng liham,pero hindi ko na pinadala.Dahil alam kong kahit mabasa mo,wala ka nang mararamdaman pa.
08/11/2025

Sumulat ako ng liham,
pero hindi ko na pinadala.
Dahil alam kong kahit mabasa mo,
wala ka nang mararamdaman pa.

08/11/2025

Umuulan ng luha, hindi lang tubig.
Bumabalik ang baha taon-taon,
pero ang tulong? Parang hangin—wala.

Nanlalamig ang mga bata sa bubong,
habang ang mga pulitiko ay nasa opisina,
kumakain ng mamahaling hapunan.
Sila ang may kapangyarihan,
sila rin ang unang lumilimot.

Ngunit kami—
kami ang nakalubog,
kami ang lumulunok ng putik,
kami ang laging nag-aantay.
At bawat pag-ulan,
hindi tubig ang bumabaha—
kundi galit.

Address

Makati
2427

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tinta ng Manunulat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Tinta ng Manunulat:

Shortcuts

Share

Category