HempKalm Poetry

HempKalm Poetry Kataga at Talinhaga

Tugma ay nalilikha kapag tumulala.

09/07/2025

I know how to love deeply… but my heart stays wrapped in ice. 💔❄️

08/05/2025

I wish i could carry your smile in my heart for times when my life seems so low...

27/03/2025
14/03/2025

Panulat

Kung may kabanata man sa aking kwento
ang bawat araw ay magsisilbing blankong pahina pa tungkol sa Ikaw at Ako. Handang gawin pinaka masaya ang maisusulat kong tagpo at maging ang panglaw na mararamdaman ko ay pipiliin gawing hindi malilimutang yugto dahil sayo

Ako ay isa lamang pluma,

Nagpapahayag ng totoong nararamdaman sa pamamagitan ng pagsulat sa aking mga saloobin at gumuguhit ng bawat salita na kaugnay ng isipan at damdamin.

Ang pag ibig ay matinik at parang rosas hiling na sana ay hindi ito magdulot ng sugat Kung sakali man na tangkain kong p...
23/02/2025

Ang pag ibig ay matinik at parang rosas
hiling na sana ay hindi ito magdulot ng sugat
Kung sakali man na tangkain kong pumitas
upang ialay sa sarili mo.
Sapagkat sa hardin nitong mundo
na kung saan napakaraming uri ng bulaklak
Para sa akin,
Rosas ang bukod tangi at tiyak para sayo.

19/02/2025

Ang unang titik ng iyong pangalan

S ang dulong letra ng aking kasiyahan
Oo, dahil diba 'S' ang huling letra ng salitang "Happiness"
at kapag nasisilayan ka nakakawala ng stress.
Sa mga ngiti mo pa lang na talagang nakaka elibs
gumaganda ng kusa ang perspektibo sa paligid.
at ang aking ibig sabihin,
Ang ngiti mo ay nakakapagbigay din ng ngiti sa iba
Kumbaga, nakakahawa.
kaya pakiusap lang Huwag mong ipagdadamot
kung ako lang masusunod, Hindi ko hahayaang ika'y malulungkot.
Ngunit hanggang tingin lang ngayon ang kayang gawin
at hangaan ang kislap na umaabot sa paningin
Ang tingkad ng iyong sinag nagmimistulang bituin
At suntok sa buwan ang tyansang ika'y marating.
Di bale wala naman mawawala kung magbaba kasakali
Walang himala pero mayroong posible
Hindi epektibo kung sa itsura ka lang babase
dahil mabisa ang paraan kung mapasaya ka palagi.

17/02/2025

Address

Valenzuela

Telephone

+639566504140

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when HempKalm Poetry posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to HempKalm Poetry:

Share