16/06/2026
I.
Minsan pakiramdam ko alam ko na yung sagot, pero minsan hindi ko parin mapigilan ang sarili ko kung tama pa ba yung ginagawa ko o nasa tamang daan na ba ako sa bagay na gusto ko puntahan, pero sabi nga nila kung gusto mo makaalis makalaya sa lahat kailangan mo isakripisyo ang lahat para makuha mo yung pinapangarap mo pero bago mo makuha lahat ng iyon kailangan mo gumawa ng sarili mong bangka para mag layag, at sa pag lalagyag hindi mo masabi kung saan ka na ba mapupunta, hihinto ba sa gitna, mag papahinga ba, o mag papa tuloy sa pag layag. Pero sa bagay na to dito ko lang talaga napag tanto na hindi mo kailangan mag madali sa buhay dahil may kanya kanya tayong oras hindi mo pwede gawin yung isang bagay dahil nakita mo lang sa iba kaya gagawin mo narin pero hindi mo rin masasabi kung para sayo ba yung bagay na ginagaya mo o kinokopya kailangan mo madiskubre sa sarili mo kung ano ba talaga yung gusto mo magingdahil kung iisipin ikaw lang din makaka gawa lahat ng bagay na gusto mo pero nasa sayo na yon kung paano mo yun gagawin at paano mo huhubugin ang sarili mo at kung sino ka ba sa hinaharap.
Monday 6-15-26 (5:57 PM)