talinghaga ng buhay

talinghaga ng buhay ang talinghaga o talinhaga ay isang maikling salaysay na sinuslat ng patula.tungkol sa buhay,pag ibig

21/07/2023

Nakakatakot ng maging masaya
Dahil paniguradong babawiin din ito maya maya
Tapos yung lungkot doble pa...
Sa naranasan mong ligaya

Nakakatakot ng ngumiti
Kapalit kasi nito laging pighati
Tumatawa ka ngayon
Kalungkutan naman ang kapalit niyon

Hindi ba pwedeng masaya lang?
Yung damdamin na magaan lang....
Hindi ba pwedeng nakangiti lang?
Yung wala ng pait na mararamdaman...

Kaso ganyan yata talaga dito sa mundo
Ang buhay di maintindihan ang takbo
Sumabay na lang sa agos nito
Mamuhay ng naaayon sa gusto ng iyong puso...

02/07/2023

Mahal mo siya...mahal ka ba niya?
Habang nakatingin ka sa kanya
Nakatitig naman siya sa iba
Habang hawak mo ang kamay nya...
Inaasam nya ay hawak ng totoong gusto nya...

Habang di siya mawala sa isip mo...
Lumilipad naman ang isip nya sa malayo
Habang inaalala mo siya ng todo
Nag aalala naman siya sa mahal niyang totoo

Tinitiis mo ito...bakit?
Nakikita mo na pero iniiwasan mo ng pilit
Nasasaktan ka na pero sinasadya mong pumikit
Para saan ba ang iyong pagpapakasakit?

Binabalewala mo kasi ayaw mo siyang mawala?
Di kaya ng puso mo na magpaubaya...
Paano naman ang sarili mo?
Nauubos ka na...tama na ang pagsamo

Sarili mo naman muna...
Saka mo na isipin ang iba
Sa sarili mo magtira ka sana
Para sa bandang huli,di ka maiwang lumuluha

29/06/2023

Panibagong umaga na naman pala
Senyales ba ito ng panibagong pag asa?
O para ituloy na lang ang nasimulan mo na
At magpatuloy sa pakikibaka...

"Maraming salamat Ama"
Nasambit mo na ba?
Mga mahal sa buhay nabati mo na ba?
Ang iyong sarili,nginitian mo rin sana....

Panibagong umaga para lumaban ulit
Sa hamon ng buhay,aahon ng pilit
Ang buong maghapon,gawin nating sulit
Para sa dapithapon,walang pagsisisi kahit saglit

Kaya bumangon ng may ngiti
Patunay na matatag ang iyong sarili
Dahil kahit saglit,nakapagpahinga ka
Kaya sambitin mo na"magandang umaga"💕

28/06/2023

Kumusta ang maghapon mo?
Ayos ba?masaya?magulo?
Nagawa mo ba ang mga nais mo?
O sumabay lang sa agos ng mundo

Dumaan ba ang araw na kuntento ka?
O parang may kulang pa...
May mga oras bang nakangiti ka?
O naramdaman mong pagod ka na...

Anuman ang napagdaan natin
May nasimulan ka sa iyong mithiin
O dumaan lang ito na parang hangin
Dapat ipagpasalamat pa rin natin

May bukas pa naman para ituloy
Mga bagay na nais maisakatuparan
Bukas na lang ulit ipagpatuloy
Mga pangarap na nais makamtan...

27/06/2023

Sa mga di ko po ma follow back tonight.resbakan ko po kayo bukas.promise yan☺

27/06/2023

Sa buhay maraming nangyayari
Pahihinain ka ng mga dagok
Padadapain ka ng mga pagsubok
Mapapagod ang iyong sarili...

Ngunit dapat na bang sumuko?
Dapat na bang umatras at magtago?
Hindi...dahil makakarating ka sa dulo
Basta tuloy lang sa pangarap mo

Wag panghinaan ng loob,kaya yan!
Ang iyong puso ay mas tibayan
Patatagin pa ang isipan
Ang Diyos natin,magsilbi sanang kalakasan

Kaya hakbang lang...dahan dahan
Ang mga problema,ngitian
Marami mang hamon ang mundo,laban lang
Pasasaan ba't ito ay mapagtatagumpayan💕

27/06/2023

Kung gusto ninyong makabasa ng mga tula tungkol sa buhay at pag ibig.welcome to my page💕

Address

Makati

Telephone

+9676304326

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when talinghaga ng buhay posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category


Other Poet in Makati

Show All