06/01/2026
Titus 2:12 (NIV)
It teaches us to say “No” to ungodliness and worldly passions, and to live self-controlled, upright and godly lives in this present age,��Ang verse na ito ay nagtuturo na ang grace ng Diyos ang teacher ng Christian life. Hindi lang tayo iniligtas ng grace mula sa kasalanan, kundi tinuturuan tayo araw araw na magsabi ng “No” sa ungodliness at sa mga worldly desires na hindi pleasing kay Lord. Kasabay nito, tinuturuan din tayo ng grace na magsabi ng “Yes” sa tamang pamumuhay, self-control (disiplina sa sarili), upright (tama ang trato sa kapwa), at godly (may takot at devotion sa Diyos). At importanteng ginagawa natin ito in this present age, ibig sabihin, hindi lang ito para sa langit sa hinaharap, kundi para sa pang-araw araw na buhay natin ngayon.
Hindi mo puwedeng tawaging self-righteous ang isang taong kumikilos nang tama dahil gumagawa sa kanya ang Diyos. Ang self-righteousness ay kapag ang tao ay umaasa sa sariling kabutihan para maging katanggap-tanggap sa Diyos. Pero sa Titus 2:12, malinaw na ang pinanggagalingan ng tamang pamumuhay ay grace, hindi ego. Kung ang isang tao ay tumatalikod sa kasalanan at namumuhay nang may disiplina, katuwiran, at kabanalan, hindi iyon dahil “magaling siya,” kundi dahil ang biyaya ng Diyos ang nagtuturo at humuhubog sa kanya. Kaya ang godly living ay hindi pagmamataas, ito ay patunay ng pagkilos ng Diyos sa buhay ng tao.
Bottom line:
Kung tunay na gumagawa ang grasya ng Diyos sa isang tao, makikita ito sa binagong pamumuhay, hindi lang sa sinasabi o pinaniniwalaan. Makikita ito sa way ng pakikitungo sa kapwa, sa kontrol sa sariling desires, at sa pagsunod sa Diyos kahit mahirap o hindi uso. Ang pagbabago na ito ay hindi para magpakitang gilas o para ipagyabang ang sarili, kundi bunga ng grace na gumagalaw sa puso at isip. Sa bawat tamang desisyon at mabuting gawa, lumilitaw ang ebidensya ng presensya ng Diyos, at nagiging testamento ito sa kapangyarihan ng Kanyang grace sa araw-araw na buhay.