24/05/2025
So ayun, napasukan na nga ng buenas!! βοΈπͺ¨ππ€π
Nais naming DigiLatina Productions na magpasalamat sa lahat ng naglaan ng pagod at pagmamahal sa pagkabuo ng pelikula na ito. Sa kabila ng maraming dagok time, naachieve natin ang La NiΓ±a. Eme, over naman sa references.
Nagpapasalamat din kami sa lahat ng tumangkilik at bumili ng tickets sa Bato Ba 'To?. Sana sa loob ng labing limang minutong iyon, may natutunan kayo tungkol sa kultura ng Cagayanβlalo na sa mga sinaunang hayop na nanirahan dito, at pati na rin sa kapahamakan na naidudulot ng kakulangan sa Digital Media and Information Literacy.
Maraming salamat din sa mga organizers, ang CSU-Actions, sa oportunidad na maglahad ng aming kwento sa pamamagitan ng pelikula. Sanaβy mapawi ang mga pagod nila, dahil hindi sila nagsawang tumugon sa mga tanong namin, at ipinagsabay nila ang festival na ito sa gitna ng sarili nilang mga laban sa buhay.
Sabi nga ng mga organizers, keep it short and concise. Kaso ang dami ko pang gustong pasalamatan at sabihin, kaya ang lsm ay sa account na lang ni Direk HAHAHAHAHA.
Ang nais lang namin para sa Bato Ba 'To ay sana tumagos ang impluwensiya nito na mas malawak pa bukod sa Sine Agila. Sana manatili ang mensahe nito sa mga nanood, nanonood (piratahin niyo na, ge!), at manonood, at tumatak sa kanila ang mga aral na itinuturo nitong pelikula.
Bato Ba 'To? sa langit, ang matamaan... winner!!!! π₯°
Okay tama na kayo yung kili kili ko. Over and out!