Emman Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Emman, Tuguegarao City.

-Wuji Tianyuan Temple (淡水天元宮)Isa ito sa pinaka-sikat na temple sa area ng Tamsui.Ang pagoda doon ay isang 5-storey na bi...
05/03/2026

-Wuji Tianyuan Temple (淡水天元宮)
Isa ito sa pinaka-sikat na temple sa area ng Tamsui.

Ang pagoda doon ay isang 5-storey na bilog na temple tower na bahagi ng temple complex. Taoist temple ito na dedicated sa Jade Emperor (Tian Gong) at iba pang diyos sa Taoism.

May 5 palapag ang pagoda at puro hagdan ang akyat.
Sa taas, may magandang panoramic view ng paligid ng Tamsui.
Sikat ito kapag cherry blossom season (Feb–March) dahil napapalibutan ng pink na sakura.

Paano pumunta
Pinakamadaling route:
1️⃣ Sakay ng MRT Red Line papunta sa Tamsui Station.
2️⃣ Pagdating sa labas ng station, sakay ng bus 875, 876, 877 o 866.
3️⃣ Baba ka sa Tianyuan Temple stop.
4️⃣ Mga 30 minutes na biyahe mula MRT.
Pwede rin po ang Taxi / Uber mula MRT (mga 10–15 minutes lang).

Fufu Dingshan Temple o madalas sinasabing Dingshan Shell Templeay isang templo sa Sanzhi District, New Taipei City, Taiw...
03/03/2026

Fufu Dingshan Temple o madalas sinasabing Dingshan Shell Temple
ay isang templo sa Sanzhi District, New Taipei City, Taiwan at hindi yung typical temple na alam mo.
Ang templo ay gawa at dekorado ng libo-libong shells at corals at opisyal itong pinangangalagaang sagrado na lugar.
May narrow shell cave at iba pang unique na chambers na makikita sa loob.

📌 Paano pumunta doon:
💡 Important tip: Walang direct train/light rail papunta sa temple mismo — most people either take a driver/ride or combine bus + local ride. 😅
🚗 Option 1: Private car / driver
Kung galing sa Taoyuan (hal. kung ikaw ay nasa Taoyuan area), car ride ay mga ~1h30m at may mga tour/ride services na nag-a-offer ng transfer dito.
🚕 Taxi / Private transfer:
Pwede kang mag-book ng private van o taxi galing Taipei/Taoyuan papunta roon — many people do that kasi limited ang public transport.

Wanli UFO Village 🇹🇼👽🛸Ang Wanli UFO Village sa Taiwan ay isang kakaibang spot sa Wanli District, New Taipei City, kung s...
19/02/2026

Wanli UFO Village 🇹🇼👽🛸

Ang Wanli UFO Village sa Taiwan ay isang kakaibang spot sa Wanli District, New Taipei City, kung saan makikita mo ang mga weird, futuristic‑looking na bahay na parang mga UFO o spaceship.
Hindi ito alien base ito ay totoong mga bahay na tinatawag na Futuro at Venturo houses na ginawa noong late 1970s para gawing beach resort at holiday homes,
pero hindi nag‑boom ang project kaya maraming gusali ang iniwan at nagkalat ng halos dis‑era aesthetic vibes ngayon.

Mga bahay na parang spaceship ang shape (round Futuro, boxier Venturo).
Naging semi‑abandoned na place ngayon, not a theme park, more like an urban explorer dream spot.
May ilan na privately owned o renovated, kaya respeto sa mga locals kapag nag‑ikot ka.

🚗 Paano puntahan mula sa Taipei
Mula Taipei Main Station, sumakay ng Bus 1815 (Kuo‑Kuang) papuntang Wanli / Feicuiwan (翡翠灣).
Bumaba sa stop na Feicui Bay / Wanli area — yun yung pinakamalapit at madalas ginagamit ng mga turista.
From there, either:
Mag‑walk papunta sa spot (~10–20 min depende sa pace mo),
Or mag‑taxi/scooter papunta sa exact na UFO cluster.
📍 Rough time: mga 45 minuto hanggang 1.5 oras travel from Taipei.

Kung balak mo mag bakasyon dito sa taiwan🇹🇼 isa sa mga dapat mong i experience pagdating mo ay kumain ng beef noodles.🍜H...
09/02/2026

Kung balak mo mag bakasyon dito sa taiwan🇹🇼 isa sa mga dapat mong i experience pagdating mo ay kumain ng beef noodles.🍜
Hindi lang ito sikat na pagkain ito ang comfort food ng buong bansa.

Makikita mo ito sa bawat kanto, mula sa maliit na karinderya hanggang sa kilalang restaurants.

Ang sikreto ng Taiwanese beef noodles ay nasa oras ang baka ay niluluto nang matagal hanggang sobrang lambot, habang ang sabaw ay pinapakuluan ng maraming oras kasama ang herbs at spices para makuha ang lalim ng lasa.

Pag kinain mo na ramdam mo agad kung bakit ito ipinagmamalaki ng Taiwan.

May iba’t ibang estilo ng sabaw may red braised na malasa at may clear broth na simple pero nakakagaan ng pakiramdam.

Ang noodles nito ay chewy at sakto sa texture, hindi madaling malata kahit ibabad sa sabaw.

Masarap ito kahit anong oras, lalo na pagkatapos ng mahabang lakaran. At ang pinaka-solid? Affordable pero high quality. Kahit simpleng tindahan lang, pang world-class ang lasa.

Kaya kung nagbabalak kang magbakasyon sa Taiwan, siguraduhin mong kasama sa itinerary mo ang beef noodles.

Dahil sa isang mangkok lang, mararamdaman mo na ang kultura, init, at puso ng Taiwan.

May mga company sa Taiwan🇹🇼 na may tinatawag na WEIYA (尾牙) o year-end party.dito ay may handaan / salu-salo ng kumpanyaG...
07/02/2026

May mga company sa Taiwan🇹🇼 na may tinatawag na WEIYA (尾牙) o year-end party.
dito ay may handaan / salu-salo ng kumpanya
Ginagawa ito bago ang Lunar New Year para pasalamatan ang employees sa buong taon ng trabaho.

Dito makikita ang sama-samang kainan, Speeches ng boss ,Games at raffle ,Cash prizes/bonuses
Minsan may performers o pakulo.
mahalaga ito para tumaas pa ang team morale ng bawat employee ng isang company.
Cultural tradition 👉 Weiya = pasasalamat + celebration + bonus + team bonding

Isang gabi para isara ang taon na may respeto at saya. Solid.

Sa Taiwan🇹🇼 ang elevator ng Taipei 101 ay isa sa mga pinaka-advanced sa mundo. Dinisenyo ng Toshiba, kaya nitong umakyat...
05/02/2026

Sa Taiwan🇹🇼 ang elevator ng Taipei 101 ay isa sa mga pinaka-advanced sa mundo.

Dinisenyo ng Toshiba, kaya nitong umakyat mula ika-5 hanggang ika-89 na palapag sa loob lamang ng humigit-kumulang 37 segundo, na may bilis na higit 1,000 metro kada minuto.

Mayroon itong pressurized cabin upang maiwasan ang pananakit ng tenga ng mga pasahero at aerodynamic design para sa mas tahimik at mas maayos na biyahe.

Ang elevator na ito ay naging Guinness World Record holder bilang pinakamabilis na elevator noong ito ay inilunsad, at nananatiling simbolo ng makabagong teknolohiya at kahusayan sa inhinyeriya ng Taiwan.

kaya kung mag tour ka sa taiwan isama mo sa experience mo ang pag sakay sa elevator ng Taipei 101.
Paano?
pumunta ka sa
Observation Deck ticket counter sa 5th floor entrance.
Pwede rin online booking para iwas sa pila.
at pag nakakuha ka na ng ticket mo meron mga staff doon
na mag guide sa inyo papunta sa mismong elevator na aakyat hanggang 89th floor.

Sa Taiwan🇹🇼, may cherry blossom na mas maaga, mas tahimik, at mas praktikal kaysa sa Japan🇯🇵.February to early March, 🌸k...
30/01/2026

Sa Taiwan🇹🇼, may cherry blossom na mas maaga, mas tahimik, at mas praktikal kaysa sa Japan🇯🇵.

February to early March, 🌸kaya kung mag tour ka sa taiwan at gusto mo maisama sa bucket list mo ang cherry blossom at maexperience.
eto yung mga top spots sa taiwan para sa cherry blossom vibes.
🌸 TOP CHERRY BLOSSOM SPOTS SA TAIWAN

1. Yangmingshan (Taipei)
Pinaka-accessible. Bus lang
Maraming klase ng sakura.

2. Pingjing St. Lane 42 (Taipei)
Tahimik, residential vibes.
Pang-aesthetic photos, hindi crowded.
Pang-lowkey flex. Clean visuals.

3. Wuling Farm (Taichung)
Pinakamaganda pero pinaka-strict.
May traffic control + reservation.
Parang VIP sakura experience. Worth it kung handa ka.

4. Alishan (Chiayi)
Sakura + bundok + lumang train.
Old-school feels, pang-romantic, pang-soul search.
Medyo byahe, pero premium ang payoff.

5. Formosan Aboriginal Culture Village (Nantou)
Sakura + cultural park.
Maraming puno, maayos ang lakaran.
Family-friendly, pang-whole-day gala.

6. Tianyuan Temple (Tamsui)
Temple + cherry blossom combo.
Medyo matao pero iconic.
Pang-spiritual + aesthetic content.

Sa Taiwan🇹🇼 ang resibo ay pwedeng manalo ng pera.Kaya huwag basta itatapon.Tinatawag itong Uniform Invoice Lottery.Lahat...
27/01/2026

Sa Taiwan🇹🇼 ang resibo ay pwedeng manalo ng pera.
Kaya huwag basta itatapon.

Tinatawag itong Uniform Invoice Lottery.
Lahat ng official receipts sa Taiwan may 8-digit number na kasali sa government lottery.

Ginawa ito para
📍Masigurong nagbabayad ng tamang buwis ang mga negosyo
📍Turuan ang publiko na mahalaga ang resibo
📍Gawing transparent ang ekonomiya
📍Gumamit ng insentibo imbes na parusa

💰 Ano ang pwedeng mapanalunan?
NT$200 (pinakamababa)
NT$1,000 / 4,000 / 10,000
NT$200,000
Hanggang NT$10 MILLION
Legit ito Gobyerno ang nagpapatakbo...

Kada 2 buwan ang draw ng mga resibo....

grabe yung mga kamay kala mo vise grip kung makakapit...ang lalapad ng steel braces ng building na yan.😮
25/01/2026

grabe yung mga kamay kala mo vise grip kung makakapit...
ang lalapad ng steel braces ng building na yan.😮

balak mo ba mag apply ng trabaho sa taiwan🇹🇼?eto mga dapat mong ayusin sa iyong PSA/Live birth bago ka mag apply para wa...
24/01/2026

balak mo ba mag apply ng trabaho sa taiwan🇹🇼?
eto mga dapat mong ayusin sa iyong PSA/Live birth bago ka mag apply para walang aberya...

Maling spelling ng pangalan
Isang letter lang mali? Problema na.
Extra space, kulang na letra, baliktad na order

Iba-iba ang middle name
Meron sa PSA, wala sa passport (or vice versa)
Maling middle initial

Apelyido issue
Ginagamit apelyido ng tatay pero wala sa PSA
Late registered, di malinaw ang legitimacy status

Maling petsa ng kapanganakan
Birthdate sa PSA ,birthdate sa IDs
Mali ang year (lalo na sa late registration)

Lugar ng kapanganakan kulang o mali
Barangay lang, walang city/province
Mali ang municipality name (old vs new)

Pangalan ng magulang may error
Nickname ang nakalagay
Mali spelling ng first or last name
Missing middle name

Late Registration
Marked as “Late Registered”
Walang supporting docs attached

Unreadable / lumang copy
Malabo
Luma, faded
Hindi SECPA paper (Security Paper)

Multiple PSA records (double registration)
Dalawang birth certificate
Magkaibang spelling/details

Suffix issues
May “Jr.” sa passport pero wala sa PSA (or baliktad)

Kung hindi tugma ang PSA Live Birth sa passport at IDs, huwag ka munang mag-apply.
Ayusin mo muna ang dokumento mo bago ka pumasok sa proseso.

Address

Tuguegarao City

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Emman posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Establishment

Send a message to Emman:

Share