LIKHA

LIKHA Likha

paglikha ng isang Tula na mula sa puso at isip

"TARA TAYO'Y MAGLARO"Laruan laruan palagi na lang bang akong mapaglalaruan. Tara tayo'y maglaro ng tagu-taguan, sama mo ...
29/08/2025

"TARA TAYO'Y MAGLARO"

Laruan laruan palagi na lang bang akong mapaglalaruan.
Tara tayo'y maglaro ng tagu-taguan, sama mo nadin ang nararamdamang matagal ng itinago, kaya mula ngayon ako'y bigo.
Tara tayo'y maglaro ng bahay bahayan, na hanggang ngayo'y nananahan ang bigat ng iyong paglisan
Na pusong iyong winasak ay sukdulan.
Nang humanap ka ng iba mundo ko'y nagiba.
Sa sari saring naiisip na di mapalagay.
At pag dating sa dulo'y ako palay nag-iisa
Dala dalang sakit, maayos pa kaya?
Tama na hindi ako isang laruan na tuluyang mahulog sa pagkasira.
Sa mga Luha ko na lamang ipinaalam na sobra nga akong nasaktan.
Bata.... Bata... Paano ka ginawa kung mundo na binuo pilit mong ginuho.
Na sa mga pagsubok ay hindi sumuko.
Ngunit isang tatsulok lamang ang aking nadatnan.

"TAMA"LIKHA Ni TLA SA PUSONG-SAWIAkala mo tama ngunit sa paningin ng iba ay Mali.Akala mo tama ngunit sa iba ay kasinung...
29/08/2025

"TAMA"
LIKHA Ni TLA SA PUSONG-SAWI

Akala mo tama ngunit sa paningin ng iba ay Mali.
Akala mo tama ngunit sa iba ay kasinungalingan lamang.
Akala mo totoo ngunit pagkukunwari lang pala.
Na ang tama ay naitatago sa mapanganib na katauhan..

At ang katutuhanan ay di naihahayag
Na ang kasinungalingan ang laging nanaig
Na ang tama ay kailanman hindi mababago sa maliit na kamalian ang siyang naiwaksi.

Piyesa mula sa sariling LIKHA ni TULA SA PUSONG-SAWIAUGUST 28 2025"PATAWAD AKING PUSO"Kapit ka lang nandito na tayo. Nga...
28/08/2025

Piyesa mula sa sariling LIKHA ni TULA SA PUSONG-SAWI
AUGUST 28 2025

"PATAWAD AKING PUSO"

Kapit ka lang nandito na tayo.
Ngayon pa ba dapat sumuko
Ngayon pa ba dapat bumitaw
Kung saan narating na natin ang dulo...

Di na aasa o di na maniniwala
Ano mang sabihin mo, ayaw ko nang makinig
Sana sinabi mo...na di na pala kaya
Na sana di na nalaman pa.

Kung pinalaya mo na lang sana
Kahit mag isa'y makakarating parin,
Kahit di kana kasama.
Sasalubungin ang bagong liwanag ng pag asa.

Dala may sakit ng pighati, ngunit di masisi.
Pagkat ako'y umiibig lamang sa di inaasahang pagkakataon.
Nang makilala kay, akala ko'y ligaya ang yung hatid.
Puso pala'y iyung pupunitin at tuluyang masusugatan.

Patawad aking puso ika'y aking hinayaan.
Na madama ang p**t ng tunay na diwa
Sa pag aasam kong siyang tunay.
Ako'y nagkamali na siya ang aking napili.

Patawad aking puso, di ko napag isipan
Na ang nakakagiliw ay isa palang daang madilim
Ako'y naaliw at tuluyang nawili
Sa dakong pagmamahal ang inaakalang makakamtan.

Patawad aking puso, di ko nais na pagkawasak pala ang nag aabang.
Pinilit ko ang sigaw ng damdamin.
Kahit na sa dibdib ko'y abot ang kirot
Nang pagtataksil sa kanyang pagkamuhi ay di kayang masuklian ng kaginhawaan.

Kaya lilisanin ko rin ng matiwasay at tuluyang ibaon sa limot
Nang ang puso'y muling manumbalik ang sigla at galak
Upang tuluyan na itong maghilom
Nang sa muling pagbukas ay handa na ulit akong umibig.

Address

Taytay
1920

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when LIKHA posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category