19/10/2022
π€«
OF THE WEEK
Meet ABCD (He/Him)β
Maliban sa pagiging YGG Manager, si ABCD ay isa rin sa mga Breeding Operations Assistant ng YGG. Tumutulong siya sa pagbreed at pagbili ng mga axie para magamit ng mga YGG scholars. Nagtetest din siya ng mga apps at websites na makatutulong sa pagpapadali ng buhay ng mga managers at scholars ng YGG.
Kadalasan ay behind the scenes ang mga trabaho ni ABCD. Siya ay tumutulong sa pag-organize ng mga tournament sa YGG tulad ng Yield Guild Open at axie tournament sa ating first ever YGG Pilipinas Roadtrip. Si ABCD rin ang nagmamanage ng Discord server ng Web3 Metaversity, (collab ng YGG at Nas Academy).
Kasama si ABCD sa nag-oorganize ng Crypto Fiesta Online na ginagawa sa Discord server ng YGG tuwing Huwebes. Para ito sa community ng YGG upang magkaroon sila ng oras para makipagbonding sa isa't isa. Lahat ng sumasali rito ay may chance manalo ng cash o crypto prizes.
Hobby ni ABCD ay maglaro ng iba't ibang games. Ang kasalukuyan niyang nilalaro ay Ni No Kuni: Cross Worlds, Overwatch 2, at Valorant. Mahilig din siyang magbike, both indoors at outdoors. Kumakarera siya indoors gamit ang Zwift, at casual riding naman sa labas.
Shinare ni ABCD ang kanyang favorite quote!
"Baby steps to giant strides."
- Baby Steps (Manga/Anime)
Good job, ABCD!