31/07/2026
FIT TO RUN LEG 2
21km Finisher
July 26 2026
Maybe this is my way of healing my inner child. 🥺🦶
Dati, nahihiya ako sa itsura ng mga paa ko kaya madalas ko itong itago. Dahil sa hiya at takot, mula pagkabata hanggang sa pagiging teenager ko, maraming bagay ang hindi ko ginawa at maraming pagkakataon ang pinalampas ko. Pinili kong umiwas kaysa harapin ang takot.
Pero habang tumatanda ako, unti-unti kong naunawaan na hindi ko kailangang ikahiya ang isang bagay na bahagi ng aking pagkatao.
Kaya ngayon, pinili kong tumakbo nang barefoot. Hindi ito para patunayan ang sarili ko sa iba o humingi ng papuri. Ginawa ko ito para sa batang minsang natakot, nahiya, at nagduda sa sarili.
Sa bawat yapak ko, parang sinasabi ko sa batang ako: "Hindi na natin kailangang magtago. ❤️"
This run is for the younger me—the one who was once shy, but is now learning to walk freely and proudly.
Thank You, Lord, for the strength and guidance to complete this run. All glory belongs to You. ✨🙏
Salamat sa suporta ng aking family, friends at sa aking Team The CommUnity Runners 💙💙💙