Patricia Ugto Paba For East Rembo

Patricia Ugto Paba For East Rembo "Patricia Ugto Pa ba?"—a call that reflects trust, action, and a brighter future for East Rembo.

This is a page in support of our dear friend Patricia, whose passion to lead and serve stands strong alongside AKAP East Rembo—an SK organization.

02/09/2026
01/09/2026

"The Filipino is worth dying for." 🇵🇭🎗️

Ngayong araw, ginugunita natin ang kabayanihan at sakripisyo ni Sen. Ninoy Aquino. Ang kanyang matapang na pagtindig laban sa korapsyon at pang-aabuso sa kapangyarihan ang naging mitsa upang magising ang isang buong bansa.

Dahil sa kanyang paninindigan, tinatamasa nating mga kabataan ngayon ang isang malayang lipunan—isang lipunang may boses, may karapatan, at may kakayahang maningil ng tapat na pamamahala.

Bilang mga kabataang lingkod-bayan, bitbit ng AKAP ang diwang ito. Hindi man natin hinihinging mag-alay ng buhay, tayo ay tinatawag na mag-alay ng ating oras, talento, at boses para sa Brgy. East Rembo. Ang paglaban sa maling sistema ay nagsisimula sa ating patuloy na pag-AKAP sa katotohanan, integridad, at serbisyo publiko.

Patuloy nating isalaysay ang Kasaysayan, ipaglaban ang Kalayaan, at pandayin ang ating Kinabukasan. Padayon, AKAPamilya! ❤️🤍

01/09/2026
Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas! Ngayong araw, hindi lang natin ipinagdiriwang ang kasaysayan, kundi pati na rin ...
12/06/2026

Maligayang Araw ng Kalayaan, Pilipinas!

Ngayong araw, hindi lang natin ipinagdiriwang ang kasaysayan, kundi pati na rin ang kinabukasan ng ating bansa. Ang tunay na pagmamahal sa bayan ay nagsisimula sa simpleng paglilingkod sa sarili nating komunidad, at mas lalong nakaka-proud na makita ang kabataan na handang mag-step up para sa pagbabago.

Kaya naman full support ako sa aking kaibigan, Patricia Ugto Paba, na handang magsilbi sa ating komunidad. Alam kong puso at dedikasyon ang dadalhin mo para sa ating mga kabataan. ❤️

Mabuhay ang malayang Pilipino, at mabuhay ang kabataang pag-asa ng bayan!

Address

Taguig

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Patricia Ugto Paba For East Rembo posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category