20/06/2025
Akala ng iba madali lang ang ginagawa ko. Pindot pindot, edit at print lang naman yan. Maling-mali po kayo.
Para lang po malaman ninyo:
✔️ Masakit sa ulo ang mag-layout.
✔️ Mahirap magkamali sa printing.
✔️ Mas mahirap kapag nagkamali ka sa laminating—lalo na kung napaso ka pa!
✔️ Nakakangawit ang mag-cutting, lalo na kung madami.
✔️Hindi na nakakakain o di kaya nalilipasan na ng gutom.
Kaya kailangan ng focus—walang ibang iniisip, dapat eksakto ang size, klase ng papel, kung hot o cold laminating, at siguraduhin kung tama ang ginugupit.
Madalas inaabot ako ng madaling araw sa paggawa ng orders. Kaya pasensya na po kung minsan late ako magbukas, hindi nakakareply—hindi po biro ang puyat, pagod, sakit ng batok, likod, mata, at lalo na ng kamay. Consideration at pasencia lang din po hinihingi namin 🫶🏻 hundi ung cancel agad pag di na nakareply 🥺
Hahaha eme-eme lang... pero totoo 'to. 😅✂️🖨️
Kaya maraming maraming salamat sa mga clients na hindi ako minamadali 🥺 at nakakaappreciate sa lahat ng ginagawa ko.. 💪👈 Late man maibigay s ainyo, sinisigurado kong worth it ang pera at pag aantay niyo ☺️🫶🏻
Ctto ( Ma'am Coney Coney Niebres Bunagan ) 🫶🏻
AB CARDS AND CRAFTS, Angelica Maccay.