11/08/2022
"Tula, Mensahe, at Nobela" (Part 2 - Black&White)
-by: Utak Outerspace
Tuloy ang laban kahit puso'y hirap na hirap na.
Pamilya'y wag sukuan, ligaya ay malapit na.
Yan ang aking pinaniniwalaan, umaaasang makakamtan pa.
Ngunit sa isang pagkakataong pagpilit, ako'y namulat. WALA NA PALA.
Sa'yong bawat pag-uwi sa bahay na inutang,
sa'akin ito'y panibagong pag-asa, pagkakataong dapat subukan
Kausapin, suyuin, magmakaawa at muling patunayan.
Sarili'y nagkasala, isa pang pagkakataon iyong bigyan.
"Ngunit ano na nga ba talagang plano mo sa buhay?"
Yan ang tanong sa'yo nung akala ko tayo'y mag-uusap lang.
Usapang nauwi na naman sa sigawan, bilangan ng ambag at sumbatan
Walang katapusang bangayan na animoy paulit-ulit lang.
"Tawagan mo, kausapin ko ang iyong magulang,
sasabihin kong MANYAKIS ang kanilang anak at dapat nang iwanan"
'yan ang iyong paulit-ulit na sambit na ang boses ay pasigaw.
Ako'y patuloy ang pagtimpi at magulang nga ay tinawagan.
Nang sila'y sumagot, ano nga ba ulit ang iyong bulyaw?
bakit ka sa camera nakatalikod? tapos magsasalita ng pasigaw!
Tatlong-taon na ang nakalipas, nabastos ko din ang iyong magulang.
Ngayon ano itong ginawa mo? ganti-gantihan lang?
Oo, malaki ang aking pagkukulang at pagkakasala.
Hindi mo nga deserve ang katulad ko, walang kwenta at sa pera'y hindi pinag-pala.
Pero ako'y nagmakaawa, baka-sakaling pamilya ay muling maayos at pagbigyan pa.
Ngunit ano ang aking napala? nilalagnat na nga nakatanggap pa ng tadyak at pasa.
Hindi mo 'deserve' ang katulad ko, yang ang iyong sumbat.
Sobra-sobra nga siguro ang aking pagkakasala kaya iyon ay iyong nagawa.
Kaya ba sobrang pag-gigil at pagkadiin ng pagkasakal mo sa'akin?
ganun ba kabigat ang galit, p**t at paghihinakit mo sa'akin?
itim at puti, yan lang ang nakikita ng aking paningin,
habang mga kamay mo'y gigil na gigil na sumasakal sa akin.
hindi ako lumalaban, pero teka, bakit ka tumigil?
sana ako'y tinuluyan mo nalang, tapos na sana problema natin.
Sa dami ng aking pagkukulang, hindi mo na nga siguro ako 'deserve',
Pero, ako? deserve ko bang saktan at sakalin?
sarili kong asawa pagtangkaan akong patayin?
Alin ba mas masakit? pisikal ba o damdamin?
Inaamin ko mga pag kakasala at pagkukulang.
Dapat ko nga itong pag daanan at pagdusahan.
Ngunit ngayo'y, sa tingin ko sapat na ang mga kaganapan.
Mga kasalanan, siguro'y akin nang napagbayaran.
Yung binuo nating pamilya, dahil saakin nagka-lamat.
Sinubukan ko itong ayusin, ginawa ko ang alam kong sapat.
Ginawa ko na ang parte ko. hmmm!!
Masasabi kong ako nga ang sumira, ngunit hindi ako ang nagwasak.
..