08/12/2025
READ THIS!
Following 👉
Kapag hindi ka na masaya kahit anong pilit mo.
May araw na pagod,may araw na may tampuhan,normal 'yan.
Pero ibang usapan kapag:
Araw-araw kang mabigat,
Wala ka ng excitement,
at pakiramdam mo nabubura na ang pagkatao mo.
Pag wala nang saya, hindi relasyon ang meron sayo, kundi obligasyon na lang..
Kapag sinisira ka na kaysa pinapabuti ka Love should make you grow, not shrink.
Dapat mas gumaganda buhay mo, hindi mas lumalala.
Kung:
-minumura ka,
-binababa ka,
-nilalason ang utak mo,
-binibigyan ka ng trauma.
hindi mo na 'yan dapat tinitiis.
Kapag ikaw na lang ang nag-e-effort.
Relationships are two-way.
Hindi puwedeng ikaw lang:
-ang nag-aayos,
-ang nagpapasensya,
-ang naglalapit,
-ang nababaliw mag-isa.
Kapag ikaw lang ang lumalaban,
hindi relasyon yan, ikaw lang ang nagtatali sa sarili mo.
Kapag wala na kayong parehong direksyon,
Minsan mahal mo pa, pero hindi na kayo tugma.
Kapag:
Totoo 'to:
-hindi na kayo pareho ng values,
-hindi na kayo pareho ng pangarap,
-hindi mo na siya nakikita sa future mo.
Sign na 'yan..
Love is not enough kung hindi kayo pareho ng landas.
Kapag paulit-ulit na at wala nang pagbabago
Sorry, pero pattern na 'yan, hindi mistake.
At kapag pattern na?
Mas lalo ka lang masasaktan sa susunod.
Kapag natatakot ka pa kaysa napapanatag kung ang nararamdaman mo sa kanya ay:
takot, kaba, bigat, tensyon.
Mas madalas kaysa saya o katahimikan hindi na healthy 'yan..
Love should feel like home,
Not like walking on eggshells.
Kapag hindi ka na niya ginagalang
Kahit may love pa,
kapag wala nang respeto,
tapos na talaga.
Wala nang relasyon kapag wala nang boundaries.
Kapag mas kilala mo na ang sarili mo ngayon.
Sometimes the relationship doesn't become toxic ikaw lang ang nagiging mas aware sa worth mo.
Kapag alam mo nang deserve mo ng mas mabuti, kasama na dun ang paglayo sa hindi na nakakatulong sa'yo.
REAL TALK:
Hindi mo kailangan magtiis, hindi mo kailangan ng pagkakamali, hindi mo kailangan ng third party,
Para masabing "tama na"!
Minsan sapat na ang:
"Hindi na ako masaya.
Hindi na ako lumalago.
Nasasaktan na ako."
At iyon na ang pinaka-valid na dahilan para umalis.