03/11/2023
ANG IYAK-TAWANG PAGLALAKBAY NI BITONG DE LA CRUZ
maikling kwentong isinulat ni Marko Caisleán, unang inilimbag dito sa Kwaderno Literary Folio
BYERNES, kaka-alas sais pa lamang ng gabi, at madilim na ang kanina pang makulimlim na langit.
"Uuwi na ako..
Kung saan mainit ang kape
At malambing ang a*o..
Dadalhan nya ako ng tsinelas
Dahil ako ang amo nya..
Aaahh.."
Naglalakad si Bitong sa kahabaan ng Taft Avenue mula Vito Cruz hanggang Pasay Rotonda, at nasa bandang Buendia na sya ng marinig ang malakas na boses ni Cynthia Alexander mula sa dyip na nakahinto dahil sa matinding trapiko..
"Uuwi na ako.. doon.. doon..
Uuwi na ako.. doooon..."
PAUWI na si Bitong mula sa pinagtatrabahuang condominium na malapit sa De La Salle University.. pagod at gutom sa maghapong utos sa kanya ng mga mangkukulam sa administration office kung saan sya ay destino.
"Ihatid mo ito doon sa National Post Office, ihulog mo as priority mail, ha." ani ni Ma'm Reah na supervisor nya.
"Sige po, ma'm." magalang na tugon naman nya, boss nya yun e.
"Tapos, i-door to door mo itong mga resibo sa bawa't unit mamaya pagbalik mo, ha?! At bilisan mo, Bitong! Baka kung saan-saan ka pa gumala!" makapangyarihang utos naman ni Candy sa kanya -- na kapareho lang naman nya ng posisyon sa trabaho.
Matapang si Candy dahil naging kapalagayang loob nya si Ma'm Rhea nila.
"Baka mo lang yun." sabay tawa ni Bitong kay Candy, pero minumura nya ito ng walang humpay sa kanyang isip.
Magandang babae sana ito, imburnal lang ang pag-uugali.
At pagkatapos ng mga utos, pinaghugas pa sya ng pinagkainan ng mga ito, nung bumalik na sya sa opisina.
Nasasaktan sya at nanliliit sa trabahong pinagpasukan sa kanya ng kanyang tatay.. gumamit ng konting impluwensya ang tiyahin ng tatay nya sa kaibigan nitong developer ng mga gusali, at ipina*ok sya sa nasabing condominium.
"Iba talaga pag maayos ang natapos mo, magkakaroon ka ng mas maayos na trabaho.." lagi nyang naibubulong sa sarili.
Admin Staff/Liaison Officer — oo, mensahero at admin officer sya, pero pati ba naman pinagkainan nung mga bruha trabaho pa nya?
Pati ba naman pagwawalis ng lapag, at paglilinis ng mga mesa?
Sana dyanitor na lang ang nakalagay sa ID nya, di ba?
Anim na buwan na, at hindi nya alam kung hanggang kailan sya tatagal..
DUMUKOT sya sa bulsa — kulang bente-singko pesos ang laman, dose pesos ang pamasahe sa MRT Pasay Rotonda hanggang MRT Shaw Blvd., magdi-dyip pa sya sa Shaw papuntang Pasig, otso pesos.. kailangan pa nya umutang ng pera pamasahe para sa Lunes.
Kaya rin lang sya naglalakad mula Vito Cruz hanggang Rotonda, dahil wala na syang pera.. at sa susunod na Martes pa ang sahod.
Wala pa syang kain, at uhaw na uhaw na sya.. malayo pa ang bahay nya.
Alas sais disisais na ng gabi.. kaninang alas singko y medya siya nag-out sa opisina..
"Opisina.. 'nyetang yan." pakutya ang mapait na ngiti nya sa sarili.
Medyo umambon, nakaramdam ng ginhawa si Bitong.. lumamig ang maalinsangan na gabi, at gumaan ang nabibigatan nyang dibdib at balikat, mas binagalan pa nya ang mabagal na nyang paglalakad.
Huminto si Bitong sa tabi ng fishball vendor na may tindang palamig.
"Magkano po yung payn-apol?" ani nya.
"Lima." hindi tumingin ang tindero.
Nag-isip si Bitong kung tatawad ba sya sa tindero ng kahit 4.75 pesos para sa isang ba*o ng malamig na payn-apol, o kulang na lang ang ibabayad nya sa dyip mamaya pa-Pasig..
"Pwede ba itong 4.75 ko? Kahit hindi mo na punuin," sabi nya habang dumudukot sa bulsa.
Tumingin ang tindero, walang ekspresyon.
"Ayoko lang ng may kumakalansing sa bulsa ko." pagtatanggol ni Bitong sa kanyang dignidad, sabay ngiti.
Kumuha naman ng plastik na ba*o ang tindero at nilagyan iyon ng pang-limang pisong palamig, at iniabot iyon kay Bitong.
"Salamats tol." tumango lang ang tindero, at bumaling ulit ito sa nilulutong fishballs.
Sumilong muna si Bitong sa lona nung tindero dahil lumakas ng konti ang ambon.. tinantsa nya kung kaya pa nya makatawid sa Buendia o magpapatila muna sya.
Aktong nagdesisyon si Bitong na lalarga na nang makita nyang nalaglag ang pitaka ng isang aleng nakapayong.. nakita nya na may batang tumatakbo papalapit sa pitaka, ngunit mas maagap sya, at mas malapit.
Mukhang malaman ang mataba ngunit may kaliitan na pitaka.. mukhang maraming lamang pera.
Napansin nyang nakatingin ang tindero ng fishball.
Lumingon sya sa likuran, at pinakyu sya nung batang basang basa sa lumalakas na ulan.
Nababasa na rin sya sa ulan..
Tinignan nya ang ale na dire-diretso sa paglalakad, walang malay na wala na sa kanya ang kanyang pitaka.
Tumingin sya ulit sa tindero, nakamata lang ito sa kanya, hindi nya alam ang iniisip.. tumingin sya ulit sa bata sa likuran, wala na ito doon.
Tinawag nya ang ale.. hindi sya nito narinig.
Tumingin sya sa paligid, nakatawa ang tindero.. tila sinasabi ng tadhana na para sa kanya yun.
Nakaisip sya ng isang milyon at isang bagay na pwede nyang magawa sa lamang pera ng pitaka..
Kakain sya, magbabayad sya ng utang sig**o, bibili sya ng pasalubong para sa ina at kapatid, may pang eye ball date at pangsine sya ulit sa Robinson's Ermita, sig**o..
Pero, tinawag nya ulit yung ale.. at hindi pa rin sya nito narinig, o baka hindi lang sya nito pinapansin.
Tumakbo na sya.. papalapit sa ale.
ALAS-SYETE otso ng gabi, sa istasyon ng MRT Pasay Rotonda.. isa si Bitong sa nakapila sa napakahabang linya ng daang-daang pasaherong patungo sa EDSA North Bound, at kahit na medyo basa ng ulan at nanlalagkit sa pawis, tiniis nya ang mahabang pila, dahil walang galawan ang mga bus sa rush hour ng EDSA.
Ramdam pa rin ni Bitong ang sampal sa pisngi at pagkapahiyang tinanggap mula sa babaeng sinaulian nya ng pitaka.
Halos isang oras na ang lumipas, ngunit yung eskandalo ng bunganga nung babae ay talagang nakakatulilig..
"MAGNANAKAW! Isnatser!!" tili nito ng iabot nya rito ang pitaka, na magalang naman nyang tinapik dahil hindi nga sya naririnig o pinapansin nito kanina.
"E, nakita ko lang naman, nahulog sa iyo yan e! Kaya ko iniabo—" depensa nya, ngunit hindi na nya natapos ang sasabihin.
Dahil hiniklat na ng ale ang bandang dibdib ng kanyang suot na baro at winawasiwas nito ang malalaking bra*o, at tila masisira na ang kanyang suot.
"Pa'nung maholog, nasa kaluob-luoban 'to ng bag ku?!" bulyaw pa nito, nagtitinginan na ang mga tao, at may papalapit ng pulis.
"Magnanakaw ka!!" sabay sampal nito sa kanyang mukha, habang hiklat pa rin nito sa isang kamay ang kanyang suot.
Sa kabutihang palad ay nakalapit na ang pulis at inawat nito ang nanggagalaiteng babae, ngunit kinapitan din nito ng mahigpit si Bitong sabay pilipit sa bra*o.. may isa pang pulis na lumapit na syang humarang at umawat sa babae.
"Isnatser yan!! Isnatser! Huwag nyung pakawalan ba!!" giit nito sa mga pulis.
Lalong humigpit ang pagkakapilipit kay Bitong ng pulis sa kanyang bra*o.
"Aray! Aray!" naihiyaw nya sa sakit.
"Ano ho ba ang nangyari, misis?" malumanay na tanong nung ikalawang pulis.
"Mis pa ku.." pagtutuwid ng babae sa pulis.
"'Yan! 'Yang anemal na 'yan! Ninakaw ba akong walit, nasa kaluob-luoban ng bag ku, ngayun nasa kanya na!!" pagpipilit ng babae.
"Totoo ba yun?" tanong ng pulis na nakakapit kay Bitong.
"H-hindi po ser.." naluluha na sa sakit, pagod, gutom, at matinding pagkapahiya si Bitong, lalo na nung posasan sya nung pulis.. dumarami na ang miron sa paligid, at lalo syang nababasa ng ambon, medyo humina naman ang papalakas na ulan.
"Anung hinde!? Anung hindee!?" paghuhumiyaw ng babae.
"I-it handrid pisos na nga lang akong kwarta, nakawin ba nya'ng anemal na 'yan!!"
"Punyeta! E 'di bilangin mo pera mo!! Gago!!" ganting bulyaw ni Bitong, nawalan na sya ng galang, nakalimutan nya'ng babae ang kanyang kausap.
"Ah, talaga! Hayup!!" mura nya kay Bitong..
Natatawa na ang mga pulis, niluwagan na nito ang higpit ng pagpilipit nya sa bra*o ng pobre, pero mariin ang kapit sa kadena ng posas.
Nagbilang ang babae, at biglang namula ang matabang mukha nito na kanina ay medyo may kaitiman.. kumpleto ang pera nya, at walang nawawala.
Hindi sya nakapagsalita ng saglit, nagtataas baba ang paghinga nito, marahil ay hiningal kakasigaw.. marami pa ring miron sa paligid, tumila na ang ambon pero kumukulog pa rin at nagliliwanag ang madilim na langit ng Buendia dahil sa kidlat.
"Kumpleto po ba misis?" tanong nung pulis na malapit sa kanya.. alam nung pulis na kumpleto ang pera dahil nakita nya ang pagbibilang ng ale.
"Kumplito p-pu.." napahiyang sagot nung iskandalosang babae, ngunit bigla ulit itong sumigla at umangil.
"E, pa'nu naponta sa imo an akong walit?!" dagdag pa nito.
"Nakita ko nga'ng nahulog, kaya hinahabol kita at iniabot ko sayo! Gumawa na nga ng mabuti, masama pa ako!"
"Gago! Gago!!" nasa sa isip ni Bitong patungkol dun sa babae, kasabay pa ng mas matitinding mura na masyado ng maselang isulat pa rito.
"E pa'nung mahuhulog 'tu, nasa kaluob-luoban.." ani nito habang binubulatlat ang bag nya, hanggang nakita nya'ng may butas nga sa bag nya na tila dahil sa kalumaan.
"Kaya naman pala nalaglag e, butas pala bag mo, misis!" inis na sabi nung pulis, may mga natawa pa sa mga miron.
Kinapitan ng pulis yung babae sabay sabing,
"Pards, pakawalan mo na 'yan, ito ang ikukulong naten. Hahaha!"
Inalis nung isang pulis ang posas sa mga kamay ni Bitong.
"Aregluhin nyo na lang 'yan, walang kabagay-bagay palalakihin pa." sabi pa nito.
Biglang nagmaka-awa ang ale sa pulis na tila bubunot ng posas sa kanyang bewang, at pati na rin kay Bitong.
"Nuy, mamang pulis, pasinsya na pu kayu.. akala ba na dinukutan ako." may luha pa nitong pagsamo.
"Ano?" sabay tingin ng pulis kay Bitong.
"Sapakin pa kita dyan e.." bulong ni Bitong sa sarili patungkol sa babae.
"Hindi na ho.. pagod na ho ako at walang oras sa taong yan." sabi na lang nya sa pulis.
"Sigurado ka 'noy? Patung-patong pwede mo ika*o rito. May physical injury pa, slight nga lang."
"Hindi na po, ser.. uuwi na lang ako." nanlulumo at hirap ang dibdib na wika ni Bitong.
"Nakow, maswerte ka misis.. kalaboso ka sana." natatawa pa ang mga pulis, nag-aalisan na rin yung mga miron.
"Naku puu!! Daghang salamat nuy! Daghang salamat pu!!" halos akapin naman sya ngayon nung babaeng halos gusto syang patayin kanina.
"Huwag mo 'kong hawakan!" bulyaw ni Bitong sa babae, sabay lakad palayo.. patungo sa dako ng Pasay Rotonda.
Pulang-pula sya sa kahihiyan, hinihingal na rin sya sa pagod at gutom.. parang wala syang kakayahang humakbang pa nung mga oras na iyon.
Pero ngayon, halos isang oras ang nakalipas, naririto sya sa MRT at nakapila.. tantsa nya ay aabutin sya ng alas-otso ng gabi bago makarating ng Shaw.
MALAKAS ang ulan, bumubuhos sa salamin ng pintuan ng isang bagon ng MRT.. nakatitig si Bitong sa ulan, sa kumikidlat na langit, sa ma-trapik na kalsada ng EDSA.
Iniisip ni Bitong kung sasabog ba yung bagon kapag tinamaan ng kidlat, nang humugong ang ispiker ng bagon..
"Approaching Ayala Station, Ayala Station.."
Nagtutulakan ang mga taong gustong maunang lumabas, pag hinto ng tren.. pero mas marami ang gustong puma*ok.
Nasiksik si Bitong, pero hindi sya nagpatinag.. tinatagan nya ang katawan at ipinirmi ang sarili sa kanyang pwesto.
May mga babaeng naiinis, may mga baklang nagtatawanan, may mga lalaking walang pakialam.. kagaya nya.
"Gusto ko ng umuwi.."
Naalala ni Bitong yung de-latang tuna, iinitin nya iyon at kakain ng maraming kanin.. lalakihan nya ang subo, lalagyan ng sawsawang toyo, kalamansi at siling labuyo, at uulit sya ng isa pang maraming kanin.
Iniisip pa lamang nya, halos tumulo na ang laway nya, at kanina pa nagmamarukulyo ang tiyan nya.
At naramdaman na naman nya iyon.. kanina pa yata iyon e.. at muli! At ulit!
Kamay na kanina pa dumudunggol sa kanyang puwitan.. at tila may paghawak pa!!
"Aalisin mo yang kamay mo, o babaliin ko yang daliri mo?" nilakasan nya ang tinig, may lumingon sa kanya na dalaga, parang natatawa.
Hindi sya kumilos, pero ramdam nya ang pag-alis ng kamay.. hindi sya lumingon, nanatili lang syang seryoso at nakatitig sa salamin ng bagon habang dumaan sila sa kahabaan ng EDSA.
Hindi nya alam kung ninanakawan sya, o hinihipuan.. pero malamang yung panghihipo, dahil alam namang walang laman ang kanyang mga bulsa, lalo na sa mga bulsa sa likuran.
Hindi nya alam kung sino, o ano, pero pikang-pika na sya.
MENOS 16 minutos bago alas nuwebe.
Tumakbo si Bitong.. hinabol nya yung dyip, upang sumabit sa estribo.
Bumubuhos na ang ulan, at basang basa sya.
Trapik ang Shaw Blvd., apat sila sa estribo.. malamang na wala na namang galawan ang Pineda hanggang Downtown.
Ginaw na ginaw na si Bitong de la Cruz.
Gutom na gutom na rin sya, at walang naiisip kundi yung de latang tuna, mainit na kanin, sawsawan at malamig na tubig.
MATINDI ang trapiko sa Pineda pababa ng Bagong Ilog.. malayo pa ang San Jose.
Pero buo na ang loob nyang maglakad sa Bagong Ilog papunta sa San Jose -- sa Bagong Tulay sya dadaan.
Malapit lapit na sya sa tunang de-lata na kanina pa nya inaasam.
PAGBABANG-pagbaba nya sa talipapa ng Bagong Ilog, tinakbo nya ang isang karinderya para sumilong dahil mas lumakas ang buhos ng ulan.
May mobil ng pulis ang nagpa-patrol na huminto sa tapat nya.
Busina ng busina ang pulis na nagmananeho upang maasistehan ng Blue Boys -- mga traffic enforcer ng Pasig.
Nakita nya na nagtatawanan ang mga pulis sa loob ng mobil.. komportable, hindi nababasa ng ulan, may kinakain yung isa, may iniinom yung ikalawa, at busina ng busina yung ikatlo sa manibela kahit alam naman nilang siksikan ang trapiko at naka-red pa ang ilaw ng traffic lights para sa kanila.
Abusado sa kapangyarihan, pero nakasandal sa pader.
NAISIP tuloy ni Bitong kung paano kaya kung sumunod na lang sya sa tatay nya at nagpulis sya?
Sabi ng tatay nya, 'matik daw na tinyente agad ang ranggo ng isang estudyante ng PNPA, at may buwanang allowance na katumbas ng sahod ng sa isang tinyente ng pulis.
Pero gusto ni Bitong maging g**o, at natatakot sya sa karumihan ng palakad, sistema at mga pulitika ng mga pulis.. isa pa, aktibista si Bitong noong high school.
Magkasalungat ang paniniwala at gusto nilang mag-ama.. ang tatay man ni Bitong ay isa ring pulis at may ranggong tinyente, at pangarap nito na may anak syang sasaluduhan isang araw.
Pero dahil matigas ang ulo ni Bitong, hindi nya sinunod ang kanyang tatay, at sya ay kumuha na lang ng kursong vocational -- dahil nahuli na rin sya sa enrollment sa kolehiyo at ayaw nya huminto, at upang makapagtrabaho na rin agad at makatulong sa ina.
Dalawang taon sa institusyon at kursong hindi nya gusto at lubusang nauunawaan, dahil ang isip nya ay nasa panitikan, at ang puso ay nasa mga tula at musika.
Ngunit hindi ka bubuhayin ng gusto mo, lalo na kung hindi ka susuportahan ng tatay mong tinyente.
Kaya ngayon, nakatitig sya sa mga pulis na sumadahod ng 20 mil mahigit buwan buwan upang mag-abuso sa posisyon at mangurakot at gumawa ng ilegal..
Araw araw, gabi gabi, hindi ba?
Ito ang ibinabalita?
NAGULANTANG pa si Bitong ng tapikin sya ng patpat ng tindera sa karinderya, dahil nakaharang daw sya sa mga maaaring bumili.
Dagli naman syang umalis.. lumakad at tumawid sa tulay patungo sa kanyang bahay.
ALAS nuwebe pasado na at pagdating nya sa bahay, walang tao roon.. nakakandado ang pintuang isang sipa lang lang ay bibigay din agad.
Puma*ok si Bitong sa bahay.. madilim at maliit na may mga dibisyon upang maghiwalay sa napakakitid na sala, mas maliit na kusinang may lababo at kwartong tulugan.
Binuksan ni Bitong ang ilaw, at tumungo sa lalagyan ng pagkain.. walang sinaing at ulam.
Umalis nga pala ang kanyang ina at kapatid kaninang umaga, papunta sa isang pagtitipon ng kanilang sambahan.. sa linggo pa ang uwi.
Nagsaing si Bitong.. hindi pa nagpapalit ng basang-basang damit, ni magpunas man ng tuwalya.
Labin-limang minuto pa bago maluto ang sinaing.. nakita nya agad ang tunang de-lata, napa-upo muna si Bitong, dala ng pagod at lungkot.
Dalawampu't tatlong taon ng eksistensya sa mundo, at tila wala syang pagkakatandaan.. lagi na lamang maghihintay ng karampot na sahod sa trabahong hindi gusto, susunod sa mga wisyo ng mga kasamang turing sa kanya ay tanga, kukutyain ng ama'ng hindi parte ng kanyang paglaki, magtitiis ng hirap sa kalye ng Maynila, Pasay, Makati, EDSA at Pasig..
"Kailan kaya yung oras ko'ng lumaya sa hirap?" natanong ni Bitong sa sarili.. at makikita sa mata nya ang luha na dadagdag sa basa pa nyang mukha at katawan.
● ANG LARAWAN_
Makikita sa imahe ang isang taong naglalakad sa ulan.. sa kadalasan, ang paglalakad sa ulan ay nagpapakita ng pagkalungkot, at hirap.
Maaaring ang taong iyon ay nasa abang sitwasyon at nag-iisip ng malalim kung paano lulusutan ang kanyang mga suliranin.
Maaari ring sya ay nagmumuni muni ng nga bagay na dapat sana ay ginawa nya, o hindi nya dapat ginawa.
Kung anuman ang dahilan, ipanalangin natin na ang taong yao'y makalampas sa bigat na dinadala.. kailangang kailangan nya ang suporta sa mga gayong oras.
● ANG PINAGMULAN 🔗_
https://stock.adobe.com/ph/search?k=sad+in+the+rain
========================================
CTTO ©️ | DISCLAIMER‼️
🚫 NO COPYRIGHT INFRINGEMENT INTENDED‼️
I/We, the admins of this page - Kwaderno Literary Folio, do not own any of the featured Poems, Short Stories/Part of a Novel, Songs (Music &/or Lyrics), Videos, Articles, Paintings/Photographs -- unless stated otherwise; and they are all credited to their respective owners, publishers, writers, composers, artist, etc.
The featured art form were only posted for educational purposes, and never for monetary gains.