25/01/2025
“ikaw, simula at wakas”
Kay rami ng ginawang tula,
Bawat pahina'y ikaw ang simula; at
Sana'y ikaw na ang maging huli kong paksa,
Maging sa libro, sana ikaw ang aking huling kabanata.
Ngunit, tadhana'y 'di nating maikakaila.
Sapagkat ito'y maaaring mag bago pa;
Ngunit kung hindi man ikaw sa tuwina,
O, ang maging wakas ng aking simula,
Nanaisin ko pang mabuhay ng mag-isa,
Kesa sa mag mahal pa ng iba.
— plagiarism is a crime.